IKAW?

27 1 0
                                    

**********

GILFER POV

"magkano ticket sa horror house?"
nagulat ako sa tanong ni Lucky. sa nagtitinda ng ticket dito sa carousel..

"akala ko bumpcar tayo?" nguso ko sa kanya.

"mamaya na!" wika niya saka kumindat sakin

"30 pesos po!"

"ok dalawa!" saad niya saka nagbigay ng 50 pesos saka 10 pesos.

"Lucky di ko kaya yan!" reklamo ko

pero hinawakan niya ang kamay ko. saka hinila papuntang horror house.

horror house in Burnham park.

nasatapat na kami nito at halos labas palang nito parang nakaktakot talaga yung nasa loob.

"Lucky__"

"trust me!" agaw niya sa sasabihin ko.

huminga nalang ako ng malalim saka ngumuso sa kanya

"ok!" wika ko.

"lets maam? Sir?" aya ng maging kasama namin sa loob.

huhuhu. natatakot ako.

"Ok! tara na Charm!" baling niya sakin saka pumasok na kami dun.

kakapasok palang namin. kinakabahan na ako.  maya maya nakarinig na ako ng nakakatakot na tunog

kumapit ako ng mahigpit sa braso niya.

"Lucky. !"

"ssshhh!"

nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng biglang may putol na ulo na tumambad sa harap namin.

"WAAAAAAH!" sigaw ko saka tumakbo.

bigla na naman akong nakasalupong ng Zombie.

"WAAAAAH. "

tumakbo na naman ako at nakasalupong ko naman ang duguan at may hawak na pamalo.

naaay!

nanlaki ang mga mata ko ng inangat niya ito para ipalo sakin

madapa dapa akong bumalik kay Mark

"Lucky. umalis na tayo dito. " ingos ko sa kanya.

tumawa siya.

"ang cute mo pala kapag natatakot ka Charm. haha!"

"di na ako nakikipagbiruan ah. natatakot na talaga ako Lucky!" singhal ko sa kanya

kahit nanginginig na ang mga laman ko

huhu para kasing totoo tong mga monster na ito . WAAAAH.

"maliit lang yung horror house na to. malapit na tayo makakalabas Charm kalma lang!"

wika niya saka niyakap ako at hinaplos ang braso ko.

unti unti nang nagsilapitan ang mga multo samin. multo ba ang mga yun .. ah basta mga nakakatakot sila at napahigpit pa ang yakap ko kay Lucky

"Aahh.  ito na nga yung sinasabi ko eh.  nakalebre na ako ng yakap!" ngising tugon niya .

"so kaya mo pala ako pinasok dito para lang makalandi?" singhal ko.

tumawa lang sya.

"ang libog mo talaga!" singhal ko

malapit na sila samin at napahigpit lalo ang pagyakap ko sa kanya. inangat ko na ang binti ko at napapasakay na ako sa bewang niya.

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon