IKAW?

19 1 0
                                    

'"ano bayan?" nakasimangot pa ang mukha niya.

tinitigan sya ni Ryan. at mukhang naunawaan niya ito kaya sya tumango.

"dun kana muna sa upuan mo. mag uusap lang kami huh!" bulong niya sakin sabay haplos sa mukha ko.

mas nakakagaan sana ng loob yun kung may pahabol na kiss kaso wala eh.

tumungo nalang ako sa upuan ko at pinanuod silang lumabas ng kwarto.

**********

pagspit ng Hapon.  dumaan muna kami sa mama at papa nila Mike. kasabay namin sila Mark at Gilfer.

"salamat sa inyo mga anak at naisipan niyong dumalaw samin!" mama nila.

"ma, hindi naman kasi pwede na hindi namin kayo dalawin. " wika ni Mike.

"ok ba kayo sa Mansion,,? komportable Ba kayo dun?" tanong nito.

"Oo naman ma. tsaka maalaga si Ate. at suportado naman po kami ni Dad. " sagot ni Mark.

yumuko ang mama nila. at tahimik lang din ng papa nila . halata pa sa mukha niya ang hiya at pagkaguilty.

"mga anak. patawarin niyo sana kami ng papa niyo___"

"ma, kalimutan niyo na po yun. .. sya nga pala . may dala kami Para sa inyo!" si Mark sabay kuha kay Mike ang malaking plastic bag na bit bit nito at binigay sa kanila.

"huminto na muna kayo sa trabaho pa. nangangayayat na ho kayo!"

tumingin sa kanila ang papa nila. tumulo ang mga luha nito .. sa sobrang pananabik niyakap sila nito ng mahigpit.

humaguhol ito habang yakap yakap sila.. punong puno ng pagsisisi. at pananabik ang papa nila.

nakakaawa tuloy sya tignan. pero kinomfort lang ito ng dalawa at pinatahan.

hangang hanga ako sa magkambal na ito.  ano mang pagkakamali ng mga mahal nila nagagawa parin nila itong patawarin.

naalala ko pa nung nagalit ako kay kuya. pinairal ko ano mang puot ko. hindi ko manlang tinignan ang pagiging magkapatid namin.

hindi tulad nila Mike. ang lalambot ng mga puso.

"tama na yan pa. kalimutan na natin lahat lahat  na nangyari.  tsaka papa ka parin namin kahit si Dad yung tunay naming ama .. naging tatay ka parin namin pa. mahal na mahal ka parin namin!"  panunuyo sa kanya ni Mike.

umiiyak at ngumiti ang papa nila.

"salamat mga anak ko! napakabuti niyo talaga. " wika ni Tito Martin.

"kayo kasi ni mama napalaki samin pa." ngiti ni Mark.

muling nagyakapan ng magpamilya. ang saya nila tignan.

********

after namin bumisita hinatid na agad nila ako sa bahay.

"late mo na yata hinatid ang anak ko Mike!" sumbat agad ni Mom kay Mike.

",Oo nga si Khate kanina pa sinundo ni Kyle. pero yung anak namin ngayon lang" dugtong pa ni Dad.

nagkamot sya ng ulo.

"eeeh.  b-binisita kasi namin sila mama Tito eh. ,s-sinama ko lang si Kelly Kasi. kilala din naman nila sya. " ngiwi niya.

"aahh ! " sabay tango nila Mom and Dad at lokong ngumisi.

"eh total nandito naman na yung anak namin. Umuwe ka na!" siryosong biro ni Dad.

nakita ko pa ang pagsiko niya kay Mom

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon