nagulat ako ng bigla syang bumaba ng kama. halatang mahina pa sya kaya sya pinipigilan ni Mark.
"tol! sandali lang mahina ka pa!" awat ni Mark sa kanya. pero tinabig niya. ito. natumba si Mark sa sulok.
sya naman ay mabilis na nilapitan ako..
nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya kong hinalikan. .. halik na punong puno ng pananabik. hindi ko maintindihan sa sarili ko ng bigla kong namiss yun.
nabasa ang pisngi dahil sa pagtulo ng mga luha niya. niyakap niya ako ng mahigpit at masuyong kinukuyumos ang mga labi ko.
hindi na ako makahinga. parang biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko.. nanlalambot ang mga tuhod ko at sobra ang kaba na nararamdaman ko.
"hoy kondor! wag mo halikan ang kapatid ko. hindi kapa magaling.. mahahawaan ng lagnat mo yan.. " pilit kaming pinaghihiwalay ni kuya.
"tol! bitaw muna.. hindi ka niya maaalala!" si Mark. at tinutulongan si kuya na paghiwalayin kami..
hanggang sa binitawan niya ako.
nakaawang lang ang labi ko. at napasapo ako rito..
"miss na miss na kita!" hagulhol niya sa harap ko.
napalunok lang ako.
"b-boyfriend kita?" kinakabahan kong tanong..
natigilan silang lahat.
nagkatinginan sila. sya naman napasinghap..
"m-mahal mo ko! hindi mo ba naalala yun?" hinwakan niya ng kamay ko.
ang init ng mga palad niya. nangangapoy siguro dahil sa lagnat niya.
pumikit ako para pilit syang alalahanin. ngunit ni isa walang bumalik sa utak ko.
"h-hindi! tsaka. ano ba kita? bakit mo ko hinalikan?"
tumulo lang ng tumulo ang luha niya.
"hindi mo nga ako maalala! yung puso mo kaya nakalimutan na rin ba ako?" iyak niya.
naawa naman ako sa kanya. para namang mahal na mahal niya ako.
'"i-iwan ko. marami akong itatanong sayo.. pero magpahinga ka muna". saad ko. sabay tulak ng marahan sa kanya pabalik sa kama.
tinitigan niya lang ako habang umiiyak
ako naman . naiilang sa kanya.
Hindi ako makatingin ng deretso..
"bumalik ka na sa paghiga dun!" tulak sa kanya ni kuya Kyle.
'" pilitin mong maalala ako please!. " iyak niya...
"hindi ganon kadali.. " ingos ko.
kung alam lang sana niya kung gano ko kagusto na maalala sya.
"magpahinga ka kasi muna jan Brod. magpagaling ka. pagkatapos tutulungan natin si bunso na maaalala ka niya! " si kuya..
yumuko lang sya.
"basta wag kayung aalis. " pabulong niyang sabi.
"oo. dito lang kami!" wika ni kuya.
"magpahinga ka muna. . mamaya sigurado okay kana. .. anjan na yung tagapag paggaling mo eh!" loko ni Mark sa kanya.
sumunod sya sa kapatid .. humiga sya ulit saka sya kinukumotan ni Mark. habang di naman maalis ang tingin niya sakin..
**********
nanatili kami ni kuya dun. namiss ko rin ang bahay ko.
"ano na bunso.. wala parin ba?" tanong ni kuya.
BINABASA MO ANG
IKAW?
ActionKelly Akesha Monteverde was a run away princess hiers of Montevedar de Amore Company.. she only 15 years of age by Mingling with an ordinary people in the public school when she entered. she did this thing's because of her Dad want's her to arrange...