********Pag dating namin ng hospital nanginginig pa ang mga tuhod ko ng bumaba ako ng kotse niya.
kinakabahan ako sa isiping makikita ko na sya. hindi ko alam kong ano na sya ngayon. maayos ba ang paghinga niya? hindi ba sya nahihirapan. talagang natutulog lang ba sya at hindi dilikado iyon?
hindi ko alam basta batatakot lang ako sa mga negatibong naiisip ko.
inalalayan lang ako ni kuya . papasok duon. nakita ko agad sa Ate Natasha nakaupo sa upoan sa labas.
malamang napapagod din ito sa pagbantay kay Mike pero mukhang sanay na ito. sa mga nangyayaring sa kanila.
"ate!" untag ko pero sa mahinang boses lang.
"Kelly?" gulat niya
tumayo sya kaagad at napalapad ang ngiti ng makita ako.
"your here!" tuwang sabi niya at niyakap ako.
muli na namang nang asim ang ilong ko. gusto na namang lumabas ang mga luha ko. katulad ko mahirap din ito sa kanila.
"thank you. at naisipan mong dumalaw___"
"ate Im sorry. natakot ako. naduwag ako. naging selfish ako at pinabayaan ko sya. sarili kong nararamdaman yun lang ang iniisip ko pero si Mike. hinayaan ko syang maghirap___"
"sssshhh. don't say that ok? ...pumasok ka na. I hope na namimiss ka na rin Niya!"
hinaplos niya ang pisngi ko saka ngumiti sakin.
nagpahid ako ng luha saka ngumiti sa kanya at tumango.
"sige Kyle samahan mo na si Kelly dun.. nga pala sana loob si Ivan at Ryan!" wika niya kay kuya.
tumayo lang si kuya at hinila ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Mike.
lumakas ang tibok ng puso ko. parang sasabog ito sa kaba. bigla ako nakaramdam ng pagkaatat na buksan ang kwartong ito.
napahinga ako ng sobrang lalim.
hinawakan ni Kuya ng door nob. lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko. hanggang sa binuksan na niya ito.
parang tumigil ang paghinga ko.
"masyado kang naiintense jan. tara na pasok na!" wika niya sabay hila sakin sa loob..
nakita ko kaagad si Ryan at Ivan na nakatingin sakin.
at.
at nakita ko rin yung lalaking nakaratay sa puting higaan at nakakumot din na puti.
muling tumulo ang mga luha ko . naalala ko pa yung sinabi niya sakin non.
puti ang paborito niyang kulay at ang paborito niyang kulay na iyon ay syang bumabalot sa kanya ngayon.
"kelly. buti napadalaw ka?" si Ivan
malungkot ang mga mukha nila na nakatingin sakin.
"namiss niya daw si Kondor. ah iste si White guy pala. mukhang mas bagay sa kanya yung pangalan na yun eh. !" loko ni kuya.
bahagyang natawa si Ivan kahit natawa siya may bahid parin ng lungkot ang mukha niya.
"oo nga. mas bagay. pangit yung kondor bantot eh" nagtawanan sila.
"haha oh sya. Kelly. halika. gisingin mo nga to. batukan mo kung ayaw!" loko ni Ryan
hindi parin ako kumibo. malungkot ko lang na tinititigan ang napakagwapo at napakaamong mukha ni Mike.
BINABASA MO ANG
IKAW?
ActionKelly Akesha Monteverde was a run away princess hiers of Montevedar de Amore Company.. she only 15 years of age by Mingling with an ordinary people in the public school when she entered. she did this thing's because of her Dad want's her to arrange...