CHAPTER 2

731 25 3
                                    

Vicky's POV

Kinabukasan, ay maaga akong nagising dahil back to school nanaman. And this time, ay seryoso na toh. May pasok na talaga. Alam niyo naman kahapon, wala kaming klase and kinuha lang attendance namin.

"Good morning kuya~" bati ko sa guwardiya nang may panunukso habang pinapakita sa kanya ang pagsuot ko ng ID ko.

Di ko kasi sinusuot tuwing bumabyahe ako galing sa bahay. May tendency kasi minsan na nasasabit kapag nagmamadali ako. So mahuhulog yun, at pag nahulog yun at di ko namalayan, ako ang dehado dahil hindi ako makakapasok ng walang ID. Well, base on a true story. Take it from me. *wink*

Habang naglalakad ako sa hallway, ay nilabas ko muna ang enrollment form ko to double check kung tama ba ang pupuntahan kong classroom ngayon.

I was checking my form when I suddenly bumped into someone.

"Sor--"

"Yikes! Watch your way freak." agad nagtagpo ang mga kilay ko habang sinusundan ng tingin yung babaeng nabangga ko.

Umalis kasi siyang agad pagkatapos niya yung sabihin kaya di na ko nakapagsalita. Nawindang nga ko.

Magsosorry na nga, may panglalait pa. Tse.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad, at nang makarating ako sa patutunguhan ko ay pumasok ako agad. Bumungad sakin ang isang buong klase na unlike the other first days ay may mga kaukausap na kaya medyo maingay sila ngayon. Hindi nga nila napansin ang pagpasok ko. O talagang di ako ganun ka importante para pansinin? Oh well..

Naghanap ako nang mauupuan. Meron akong nakitang space sa unahan, pero ayoko maupo don. Kumbaga sa sasakyan, nakakasuka sa ganung parte. Di na rin ako magtataka kung bakit walang may umupo don. It's only two things, first, students here felt the same way as I did. Yung ayaw sa unahan kasi mas habulin ng teacher. Yung kapag sa unahan ka parang mas pressured pa keysa sa parents mo. Secondly, hindi naupo sa unahan dahil majority ng tropa mas gusto sa likuran. 😏

I was still looking for a seat, when someone suddenly called me.

"Vicky!" at nahanap ko din kung sino yun. Nang makita ko siya kumakaway sakin ay napangiti ako. Agad ko siya pinuntahan sa pwesto niya.

"Hi Kaye." tapos kinawayan ko rin siya.

"Here. I got you a seat." tinap-tap niya naman ang upuang katabi niya. Lalo akong napangiti. Tumungo agad ako doon at naupo.

"You also did pray a lot last night, let me guess." sabay hawak nito sa chin niya na parang nag-iisip pa. Pero yung tipong nanunukso.

Natawa ako at natawa din siya.

"Kind of." sagot ko nang natatawa pa.

"But I'm happy merong subject na magkaklase tayo. Hope sunod-sunod na." nakangiti niyang sabi.

Wow. She's such an angel. Pretty face, beautiful smile and such a friendly personality. I would really love to be more close to this gal.

Nagkwentuhan kami ni Kaye habang hinihintay prof namin. Napapansin ko ring halos lahat ng mga kaklase ko ngayon, ay may kanya-kanya na ring circle of friends. Naging estudyante ka kung alam mo dahilan kung bakit minsan first day of school sa college ay may mga nagiging kasakasama na ang ibang students.

*eeeeeck*

Lahat ay napalingon sa pinto, at nang may babaeng nasa mid 30's ang pumasok ay napaayos ang lahat. Prof na ata namin toh.

"Good Morning Class C." bati niya samin.

"Good morning miss." bati din naming lahat sa kanya.

BSBA have 8 classes. We belong to C. Random selection siya so it means not a selectiom between majors. Mga 2nd year or 3rd year pa daw kasi mag-ooccur ang majoring. So halo muna ngayon lahat ng students na may iba ibang majors sa iisang section.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon