Vicky's POV
Nasa college park kami ngayon ni Kaye. Nagbabasa siya ng notes kasi may quiz daw sila sa PE nila. Habang ako naman ay malalim pa din ang iniisip.
I'm resting my head on the table at ginawang unan ang braso ko.
Naaalala ko nanaman kasi yung nangyari kagabi.
FLASHBACK--
.
"CK?"
O_____O
Kuya Carlos?
Agad agad naman akong napasilip at nakompirma ko ngang siya yun.
"V-Vicky. Teka, magkasama kayo?" pinaglipatan niya kami ng tingin. Pagtingin ko naman kay Charles, ay doon ko lang narealize na masyado ako malapit sa kanya kaya bumitaw na ko sa damit niya atsaka umatras.
Bumaba na din ako sa kama saka inayos ang sarili ko.
"CK, I've been calling your phone ba't di ka sumasagot?" nakatingin pa non sakin si kuya Carlos but then shift his gaze towards Charles.
"Nasa locker ko phone ko." tapos bumaba ito mula sa kama.
"How long have you been here?" di pa ito nakasagot agad.
Namulsa siya at naglakad na.
"Do you care?" tapos nilagpasan na niya kuya niya.
Nangunot naman ang noo ko at nakanguso pang sinusundan siya ng tingin.
Ba't kaya ang sama ng ugali niya talaga sa kuya niya? Parang tinatanong lang naman.
"THANKS FOR OPENING THE DOOR!" sigawan niya mula sa labas.
Bumaling naman si Kuya Carlos sakin kaya nginitian ko siya, pero yung medyo awkward.
"Are you okay?"
Tumango-tango lang ako bilang pagsagot.
"I'm really sorry I came late. Super busy kasi kanina. At akala ko nakauwi ka na. Buti nalang nag text si Miss Lesley na icheck ko dito baka andito ka pa."
"O-okay lang." kinuha ko na ang bag ko saka isusuot na sana toh nang bigla niyang kinuha.
"I'll carry it for you." then he smiled. Amputcha lang cause it made my night. Yieeeee.
"Tara na, hatid na kita."
O///////O
"ah di na kuya. O-okay lang talaga ako."
"No. I insist. Wala na kasi ata taxi ngayon sa labas since mag e-eight na ng gabi. Kaya hatid nalang kita. No buts." tapos ngumiti siyang muli.
At dahil marupok ako, ay napa-oo ako.
Lumabas na kami ni kuya Carlos doon, atsaka tumungo na sa parking area ng school kung saan daw nakapark ang kotse niya.
Naabutan pa namin don si Charles na kararating lang din dahil mukhang kinuha pa niya sa locker niya ang bag niya.
"CK." natigilan ito sa pagbukas sa kotse niya pero di siya agad lumingon.
Nang makalingon ito ay makikita sa kanya ang pagkairita.
"Tell mom I'm coming home late. Lowbat na ko and I can't text her. Ihahatid ko pa kasi si Vicky sa kanila."
Tinilt niya lang ang ulo niya at walang ganang binuksan ang pinto ng kotse niya.
"Tama nga yan. Hatid mo yang cry baby na yan." then he smirk atsaka pumasok na sa kotse niya.
Kumunot naman ang noo ko at napanguso pa ko.