CHAPTER 48

357 14 5
                                    


Vicky's POV

Pagkatapos naming magpahinga at magpatunaw ng pagkain ay nagdecide na kaming magbihis para makapag swimming na.

We girls are all currently in Lexie's and Cheska's room. Para daw tingnan namin isa't isa sa swimsuit na susuotin namin.

While others are busy changing, ako naman ay pinapanood lang sila na medyo nabibigla pa.

Just look at their swimwears. Look at how exposed Cheska's cleveage. Same with Lexie and also her butt cheeks is showing at the same time. And when I looked at Bea, she's also the same as them. Nalaglag balikat ko, dahil ang swimsuit na dala ko, ay sports bra like at swimming trunks.

Napanguso ako at humilata nalang sa tabi ni Trina na ngayon ay nakahiga sa kama. From her phone, her gazed went to me.

"Oh, Vi? Ba't di kapa nagbibihis?" I pout.

"Ayoko na magswimming. Dito nalang din ako, sasamahan nalang kita."

Di kasi magsiswimming si Trina cause she's not feeling well. May hangover pa daw kasi siya dahil nasobrahan din daw siya kagabi. Kaya medyo hilu-hilu pa siya.

"Bakit?"

"Eh basta." sabay yakap ko sa bag ko kung san nakalagay yung susuotin ko sana mag swimming.

"Okay, ikaw bahala." kibit balikat niya at bumalik na sa paglalaro.

Muli ko namang pinanood sina Cheska, Lexie and Bea checking each other out kung bagay pa yung swimsuit nila and all. Then napatingin ako sa direksyon ng cr, dahil nandon si Kaye. Kanina pa siya don di pa siya lumalabas.

"Uy Vi, ba't di kapa nakabihis?" I looked at Bea at nakapamaywang na itong nakatingin sakin.

"Oo nga. Tayo na diyan, para makapagswimming na tayo. Ang sarap pa naman ng init ng araw para magpalamig sa pool." dagdag ni Cheska.

"Ayoko na."

Sabay-sabay silang napatingin sakin na nagtataka.

"Bakit naman?" ngiwi ni Lexie.

"B-basta. Biglang sumama pakiramdam ko." napataas mga kilay nila atsaka nagtinginan sila.

Then Bea looked at me with a smirk.

"O baka naman nahihiya kalang?"

My eyes widened. "Hindi ah. Masama talaga pakiramdam ko."

"Pft. Eh kanina excited ka din naman magswimming ah. Tas biglang masama pakiramdam mo? Ano yun? Instant?" sabay tilt pa ng ulo ni Cheska.

"Hindi kami papayag. Tama nang si Trina hindi makakaswimming kasi totoo talagang masama pakiramdam niya, eh ikaw, okay ka. Alam ko yun." then Lexie walk towards the other side of the bed at sinimulan na kong hilahin patayo.

"Ayoko naaaaa~" humawak ako kay Trina dahilan para matawa ito.

"Tumayo ka na. Dali na, masaya maligo. Sige ka pagsisisihan mo." pagpipilit nito habang hinihila padin kamay ko.

"ihhhhh~"

"Ano meron?" natigilan kami at sabay sabay na napatingin sa biglang pagsulpot ni Kaye.

Nang makita ko suot niya ay awtomatiko akong napatayo. I looked at her from her head to her toe.

"You'll wear that?"

Napatingin din naman siya sa sarili niya.

"Oo. Bakit? May mali ba sa suot ko?"

"Ha? Tinatanong pa ba yan? Ang revealing kaya."

I swear guys, it's so revealing. And I never expected Kaye to wear that kind of swim wear. I mean, di naman siya naka bra't panty. Nakabra siya with shorts, and it seems to look pretty usual, pero di ko lang talaga alam na nagsusuot pala siya niyan.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon