Vicky's POV
"Hey. Parehas tayo ah? San ba kayong church?"
"Sa San Vicente."
"Eh di naman pala tayo parehas ng church, ba't parehas tayo ng kwento?"
"Heller. In general kaya tinatanong natin sa mga pari. Malamang, yung mga alam nilang saint ang ikekwento kahit yung hindi sa mismong simbahan."
"Pft. Okay na nga lang yan. Iba iba naman tayo ng pagkakasulat."
Back to normal classes na nga pala. At nasa classroom ako ngayon, kung napapansin niyo, ang iingay nila. Topic kasi ngayon yung religious study project namin. Meron kasing iba samin na pare-pareho yung saint at kwento. Kaya nag cocompare sila.
Ako naman, tahimik lang ngayon dito sa gilid at binabasa-basa yung samin. Nasa phone ko kasi, malapit na din naman matapos at ipapaprint ko nalang din para makapagpasa ng hard copy kay miss Ai.
Di pa naman kasi deadline ngayon, pero shinare lang ng iba samin yung sa kanila, kaya nagsimula na magkaalaman na may pare parehas.
"Hey Vi." lumingon naman ako at nakita ko siyang nakangiti sakin habang umuupo.
"Hi Kaye." Si Kaye kasi, kararating lang.
Late na siya dumadating lately.
"Ba't ngayon ka lang pala?"
"Traffic kasi." sagot naman nito.
Tumango-tango lang ako.
"Nga pala. Di ka na namin naabutan non sa church na pinuntahan niyo kaya di ka na namin nasabay. Medyo pagabi na din kasi non nung nakauwi kami." paliwanag niya.
Nginitian ko lang siya. "Okay lang."
"Kamusta naman pala yung project niyo? Natapos niyo ba kahapon?"
"Di pa nga. Wala kasing kwenta si Charles eh." sa kalagitnaan non ay natigilan ako saka napatingin kay Kaye.
"Teka. Pano mo nalaman magkasama kami?"
Pero teka. Wala naman siyang sinabi diba? Bwesit, ang tanga ko.
"Ah. Akala ko lang. Bakit? Di ba kayo magkasama kahapon?"
Ngumuso ako. "Magkasama." sabay ngiwi ko. "Sa kasamaang palad."
Natawa lang si Kaye.
"Sobrang mainit talaga dugo mo sa kanya noh? Buti naman."
Nagkurap ako ng mata at napatingin sa kanya.
"Buti naman?"
"Buti naman di kayo nagkakasakitan." pagkaklaro nito.
"Ahhh." natawa nalang ako ng matawa ito.
Hindi nagtagal, ay dumating na din si Miss G. Thursday kasi ngayon, so siya yung first period namin.
"Good morning class~"
***
Pagkatapos nang klase namin, ay tumungo kami ni Kaye sa caf para kumain.
Habang kumakain, ay nagkekwentuhan kami ni Kaye. Patungkol sa mga pinuntahan namin nung tuesday. Dami nga namin napag-usapan, kasi daming ganap sa pinuntahan nila. Dami din naman ako na kwento sa pinuntahan namin, kaso yung tungkol lang sa simbahan saka yung mga kwento ni father. Unlike kasi kanila Kaye na nag ikot muna sila sandali sa lugar, kami di nakapag ikot kasi nagmamadali yung bossing -_-
"Di ba kayo nag uusap ni Charles kahit sa kalagitnaan ng byahe lang Vi?"
Muli nanaman nangunot noo ko ng maalala ko siya. Di ko talaga naeenjoy punta namin kahapon don dahil sa kanya eh.