CHAPTER 45

750 16 5
                                    


Vicky's POV

Today is the day. Ngayon na yung araw ng outing namin kaya nasa 7/11 na kami ngayon. Dito kami magmemeet up.

"Parang ang tagal naman ata nila?" says Bea.

"Nagpagasolina pa daw." sagot ni Cheska na nakafocus lang sa phone niya.

Di naman nagtagal ay may van nang tumigil sa tapat ng 7/11. Inantay muna naming may lumabas.

Maya maya pa, ay nagbukas na ang pinto at niluwa nito si Dave. Oo niluwa kasi nga sira ulo siya. -_- char.

Agad agad na kaming tumayo noon nang makita na din naming lumabas na doon yung iba. Lumapit kami sa kanila. Ngumiti naman ang mga ito ng makita kami.

"San ba kayo nagpagasolina at ang tagal niyo?" nakangiwing tanong ni Lexie.

"Grabe naman yung ang tagal, mabilis lang naman kami." dungaw ni Clinton sa bintana ng kotse.

Napailing nalang kami non atsaka inaya na nila kaming pumasok.

Ang kaninang nakaupo sa harapan na si Red, ay lumabas at lumipat sa likuran. Kaya napasilip ako sa driver's seat at sakto naman non lumingon sakin ang kasalukuyang driver ng van ngayon. Nanlaki ang mata ko samantalang ito ay nginitian lang ako at tinaasan baba pa ng kilay.

Pinaningkitan ko siya ng mata saka inirapan. Ba't siya yung driver?

"Hala, yung tumbler ko naiwan!" biglang sigaw ni Bea kaya napalingon kami sa itinuro nito. "Vi! Pakuha naman." nakanguso niya pang sabi.

Tumango nalang ako since medyo nahuhuli naman akong papasok.

Tumakbo ako pabalik doon sa inupuan namin at kinuha ko tumbler niya. Pagbalik ko, kaming dalawa nalang ni Kaye ang di pa nakakapasok.

"Isa sa harapan." sabay turo ni Cheska sa tabi ni CK, who's our driver right now. "Vi don ka na." sabi pa nito ng may nakakalokong ngiti sa labi.

My eyes widened at ilang beses akong napakurap. When then I saw Kaye, ay pumasok sa utak ko yung sinabi kong tutulungan ko siyang mapalapit kay CK. So I think this is the time.

"S-si Kaye nalang. Ayoko don, nakakalula." bahagya kong siniko non si Kaye kaya napatingin pa siya sakin. Tinaasan baba ko siya ng kilay bago ako tuluyang pumasok sa likurang part ng van.

Nang makaupo na ako ay napatingin pa ako non kay Kaye who's still looking confuse. So I gave her the go signal na maupo na sa harapan.

Napakurap ito ng mata at nakita ko pa ang pagkagat niya sa ibabang labi niya.

Nag-aalinlangan itong nagpunta sa tabi ni CK. Nang makapasok na siya, ay saka ko sinara ang pinto sa side ko.

"Now we're good to go." I said habang sumasandal sa sandalan ng upuan.

Naghiyawan na din sila non. Pero bago pa man i start ni CK ang engine ay nakita ko pa itong napatingin sakin through the rear view mirror infront. Agad akong nag iwas at sa bintana nalang tumingin.

Nang magsimula na kaming bumyahe ay napuno ng ingay ang buong van. Nagkakagulo nga kami. May nagsa-soundtrip, nagkakantahan, nag aagawan ng pagkain at nagkakanchawan.

Halos 30 minutes kaming ganun, hanggang sa antukin na din yung iba. Ako naman, alive na alive pa din dahil nagkape ako kanina bago umalis samin. Di naman ako usually nagkakape, kaso yung coffee ni mama napagkamalan kong milo. Parehas kasi kulay. Kaya nakainum. Medyo malakas din yun.

Another 15 had passed, at parang inaantok na din ako non. As I was about to sleep, ay biglang nawala antok ko ng pumreno ang van. Agad ako napatingin sa harapan. At yung ibang tulog na ay nagising nang dahil din sa nangyari.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon