Vicky's POV
We're back to school once again. At may quiz kami today kaya maaga ako sa school ngayon cause I am heading to the library.
Di kasi ako makapag-aral ng maayos sa bahay, kasi di ako mapakali baka malate nanaman ako. So mas better na dito nalang ako sa lib, para di ako gaano malate sakaling time na.
Before kasi ng quiz namin, may klase pa ko at walang vacant in between diyan. Kaya itong time lang ang masespare ko for my review.
Nang makapasok ako sa library ay nagscan muna ako ng ID. Required kasi yun para mag karecord sila kung sino-sino mga pumapasok sa lib. Alam niyo na, baka sakaling may librong nahiram na di nagpaalam medyo malambot na term para sa pagnanakaw hehe.
Pag akyat ko sa 2nd floor which is my favorite spot, kahit saan dito basta dito lang sa 2nd floor, ay punuan. Grabe, ang aga din nila. 7 am palang kasi ano. Iba din.
Naisip ko nalang tumungo sa 3rd floor. Kung saan kami natutulog ni Kaye. Hayst. Di ko trip mag review don. Kasi masyadong tahimik. Alam niyo na, yung kunting whisper lang, madidinig na. Lalo pa yung 'S'.
Di pa naman ako sanay na mag review na utak lang nagbabasa. Mapapagod siya syempre. Siya na nga papasukan ng binabasa, siya pa magbabasa? Oh edi drained na siya, tas zero ako. The aftermath -_-
Nang nasa 3nd floor na ko, ay naghanap na ko ng pwesto. So far wala masyadong tao dito. Mukhang parehas kami nang mga nasa 2nd floor. Yung ayaw sa masyadong tahimik.
Napailing nalang ako atsaka pumasok sa corner kung san kami natutulog ni Kaye.
Kanina ko pa binabanggit ang kung saan kami natutulog, kasi masarap lang tulugan dito eh hihi.
Naghila na ko agad nang mauupuan at nilabas na mga reviewer ko. Saka nagsimula na ko.
Major namin toh. And may kunti siyang accounting---ay joke. Accounting nga pala siya. Ay putcha hahaha.
Well, nasa right spot pala ako. Dahil pugad ng mga accountancy tong pwestong ito. Kaya may mga libro ditong makakatulong sakin. muhahahaha---charot.
Tumayo na muna ako, at nagroam sa mga shelves. Hinahanap ko lang yung basic accounting. Di naman kasi kami required bumili ng book, so yeah~ tamang punta nalang dito sa lib, at hiram hiram libro.
Nang nasa dulong part na ko ng mga bookshelves, ay halos atakihin ako sa puso ng pagliko ko papunta sa kabila ay may nakita akong nakahiga sa sahig na may nakatakip na libro sa mukha.
Napatigil ako sa harap nitong lalaking ito, na hawak-hawak pa dibdib ko. Sandali lang naman. Sobrang nabigla lang kasi ako. Sino ba naman kasing matinong tao ang hihiga diyan na akala mo naman bahay lang nila.
Napangiwi ako at nag patuloy sa paglalakad na nagtitiptoe. Baka kasi magising ko. May konsiderasyon naman kasi ako.
Di ko nalang din pinansin at nag scan nalang muli ako. Hanggang sa makita ko yung basic accounting na libro sa pinakagitnang row ng shelve, which is nasa alignment nitong natutulog sa sahig.
Napangiwi ako. Pano ko pala makukuha yun? Eh nandiyan siya? Putek na yan. Gisingin ko kaya?
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ano ba naman yan. Ako pa namomroblema which is first of all, di siya dapat natutulog diyan. Tss.
Napabuntong hininga nalang ako pailing-iling na naglakad patayo dito sa gilid ng lalaking naka higa sa aapakan ko dapat para makuha ang yung book na hinahanap ko.
Madali lang naman toh eh. Aabutin ko lang yung libro, nang di siya nagigising. Oh diba?
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang nagtiptoe para abutin na yung libro.