CHAPTER 13

472 19 3
                                    

Charles' POV

Nasa bahay na 'ko ngayon at di na ko pumasok sa remaining subjects ko. I'm just tired and exhausted, at nakakastress pa sa school.

Nahiga na ko sa kama ko. At pipikit palang ako ay bigla namang nagbukas ang pinto.

"Kuyaaaaaa~"

Napadilat ako and saw Kitty running towards at tumalon sa kama ko.

"You're home." she said surprisingly atsaka sinakyan ako.

"Aray." I hissed nang tumalon-talon ito sa tiyan ko na para bang nakasakay lang siya sa kabayo.

"Kitty it hurts."

"Kuya! Samahan mo ko!" she held my face and squeeze it. Tinanggal ko mga kamay niya at saka inihiga ang ulo kong muli.

"Kuya's tired. Go ask your favorite kuya."
She pouted.

"But I'm asking him. Ikaw yun." natawa ako.

"I'm not your favorite." saka binelatan ko siya. "ih kuyaaaaaa! We've already talk about this. Kala ko ba we're fine na?" she crossed her arms at lalo humaba nguso niya.

"Pinikit ko na mga mata ko."

"Kuya samahan mo ko."

Mariin akong nagmulat. Kasabay non ang pag papacute niya sa harapan ko while muttering please.

This kid.

"Saan ba?"

***

Vicky's POV

.

Pabagsak akong naupo sa sofa namin and was about to rest my head down when suddenly a screamed interrupt.

"Tumawag si mama. Tayo daw muna sa shop may pupuntahan siya."

Napangiwi ako. "Oh bakit? Tinatamad ka? Sumbong kita gusto mo?"

Lalo lang ako napangiwi. "Hindi yun. Yung sigaw mo. Akala ko naman kung ano na. Pwede naman magtawag ng di sumisigaw diba? Tss." padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo atsaka umakyat na.

Nagbihis na ako, atsaka bumaba na pagkatapos. Kumain pa muna kami ni Ate, dahil baka gabihin na daw kami sa shop.

Pagkatapos namin, ay nilock na namin ang bahay saka tumungo na doon. Pagkadating ay si Tina nalang uli naabutan namin. Kaya tinulungan na namin siya kasi nagpapasok siya ng mga bagong stock ng powders.

"San ba daw pumunta sila mama?" tanong ko kay ate na nasa counter na ngayon.

"Ewan ko. Di naman nagsabi eh. Masyado kasing nagmamadali." napanguso nalang ako atsaka naupo na muna.

Wala pa namang omoorder, though may mga customers di naman sila masyadong mautos.

Kaya medyo relaxing ngayon.

"Huy. Kanina ko pa napapansin yang mukha mo." pagtawag sakin ni Ate. Ilang beses akong nagkurap ng mata wondering why.

"Bakit? Mukha ba 'kong puyat?"

"Hindi. Namumula lang naman yang pisngi mo." napahawak naman ako doon.

Peste. Sinampal nga pala ako nung jowa ni Charles kanina. Naalala ko nanaman. Mukha non. Tsk.

"Ano meron?" pang-aaninag ni Ate dahil medyo malayo ito sakin. Nag-aayos kasi siya ng pera sa kaha kaya di siya agad makalapit.

"Wala. Nauntog lang ako kanina sa pader."

Ngumiwi siya ng may pagtaas ng kilay.

"Ay. Sobrang tanga lang? Saka hello, pag nauntog ka sa noo dapat una yun." sabay umirap ito.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon