Vicky's POVMagkasama na kami ngayon ni Trina papunta sa shop kung saan siya pipili nang susuotin niya. Like what we have talked yesterday, ay sinamahan ko nga siya.
Pero honestly, I keep on thinking about my conversation with her yesterday. Hindi kasi ako makapaniwala, na after having our first conversation during exam week she's now comfortable asking me to help choose an outfit for her. I'm sorry for Trina, but I really am feeling suspiscious around her. Like, naiisip ko na baka talaga ginagawa niya toh dahil kay CK.
"Hey Vi. Have some coffee muna." sabay abot niya sakin nang isang cup mula sa pinabili niya sa starbucks.
Nagpadeliver kasi siya.
Kinuha ko naman yung inaabot niya while smiling. "Thank you.." I muttered.
Naupo ito sa tabi ko while sipping on her own coffee.
"Wala ka na bang class this afternoon?" she suddenly ask.
Nilunok ko muna yung kapeng nasa bibig ko. Lumalagok kasi ako nang magtanong siya.
"Wala na. Wala daw kasi isang teacher namin."
"Ow~ okay. Good to hear. Baka kasi matagalan dito."
"ah~" tangi ko lang nasabi sabay tango tango.
Hanggang sa mamagitan na samin ang katahimikan. She's now sipping on her coffee and so as I am. Tapos nakatingin lang kami sa mga staff na panay daan sa harap namin, saka pinapanood din yung ibang customers habang sinusukat mga damit nila.
This shop pala is owned by a designer that's why mga gown dito makikita mo talagang gawa at desinyo nang isang magaling na designer. Saka take note, mga customer dito hindi basta-basta. Yung tipong may mga nakatagong mga gold sa bahay mga clients.
"Pano niyo na discover ang shop na toh?" tanong ko kay Trina sabay tingin sa kanya.
"I personally knew this place because of my mom. And for my mom naman she knew about this place through recommendations. Madalas din kasi si mommy sa mga formal parties and balls. Minsan special occasions, minsan naman business purposes. Naging suki na si mommy dito kaya parang naging personal na din naming designer ang may ari nang shop na toh." sagot niya naman nang di nakatingin sakin at pinapanood mga staffs sa ginagawa nila.
At dahil di siya nakatingin sakin, di ko naman napigilan sarili ko at napatitig ako sa kanya.
She seems nice, like she's now talking comfortably unlike the first we talked. Mas di na siya tipid this time.
Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla naman siyang gumalaw kaya napaigtat ako.
"Aray." I hissed nang mahina lang. Napaso kasi bibig ko, amp.
"Miss Trina, tara na po sa loob at ready na po ang choices mo." tawag sa kanya ng isang staff na galing sa loob.
Pinatong naman ni Trina ang cup niya ng coffee sa mini table sa gilid ng inuupuan niya saka tumayo siya. Ang akala ko ay papasok na ito sa loob pero nilingon pa ako nito.
"Tara na."
Nabigla ako at di pa kaagad nag absorb sakin ang sinabi niya.
"Huy, tara na. Diba tutulungan mo ko?" nagkurap ako ng mata at doon ko lang napagtanto na yun nga naman pala ipinunta ko dito.
"S-sorry." natatawa kong sabi saka pinatong na din sa mini table ang cup ko ng kape saka tumayo na.
Trina held my hand hanggang sa papasok kami sa loob na kung saan may rooms doon na may nakasulat na 'VIP Section'. So aside from the fact that Trina is purchasing a gown in a very expensive slash luxurious designer shop just for a one night party is already enough to prove she's rich, tapos nasa VIP section pa siya, so ano na yun? Supah rich? Wow.
