Vicky's POV"ATLAST!!!!"
Sigawan ko sabay talon sa kama ko. The hell exam week is so done. Babye prelims. See you in a bit finals. Whoa!
Pinikit ko mga mata ko sabay buntong hininga. Sobrang nakakapagod. Dear God, sana naman makakuha ako ng mga good results. Sana naman po~
After kong mahiga ng ilang minuto ay tumayo na ko para makaligo na at makapagbihis. Cause it's BTS time! Whoa! Medyo matagal na din kasi akong walang balita sa mga bebelabs ko nung nagsimula ang prelims. Kaya check ko muna sila.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na muna ako para makapag dinner na. Nasa shop pa kasi si mama, at si ate naman di pa nakakauwi. Kaya tinext ako ni mama na mauna na kong kumain kasi nakapagluto na daw siya.
Ipinaghain ko ang sarili ko at habang kumakain ay nanonood ako sa youtube. Para naman di ganoon katahimik ang paligid. Padilim pa naman na, saka mag isa lang ako. Baka may kumalabit sakin dito. Huhu.
After ko kumain, ay bumalik na ko sa kwarto ko at nagsimula ng manood ng BTS videos. Sa kalagitnaan ng panonood ko ay bigla akong nakadinig ng mga footsteps mula sa labas. Pinause ko muna yung pinapanood ko atsaka sumilip sa bintana ng kwarto ko para tingnan sa labas.
May nakita akong nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin kaya't napanguso ako wondering whose car is that?
Dali dali naman akong lumabas ng kwarto ko para silipin kung sino yung pumasok.
Habang pababa ako ng hagdan ay nadidinig ko na ang ingay na nagmumula sa sala namin banda. Nangunot na non ang noo ko kaya mas nagmadali akong bumaba.
I head directly to our sala at sumilip. Doon ay nakita ko ang halos anim na taong mga naka-uniporme pa. By the looks of it, sa school ni ate toh. Nakauwi na ata siya at mukhang mga kaklase niya, akala ko kung sino na.
Napangiwi ako saka aalis na sana doon ng paglingon ko ay bumulaga sakin si ate kaya napasigaw ako.
"Anong ginagawa mo diyan?" she ask.
Habang ako naman ay habol habol pa din ang paghinga ko dahil sa sobrang pagkabigla.
Nginiwian ko siya. "Tiningnan ko lang akala ko kasi kung sino mga pumasok. Di ka naman nagsabi na ikaw pala."
Bigla naman non tumaas kilay niya. "Pano ko sasabihin? Malay ko bang nandito ka pala."
"Edi sana nagdoorbell kayo sa baba."
Lalo pang tumaas kilay niya. "So labas muna kami uli para mag doorbell?" doon naningkit ang mata ko. Note her sarcasm. Hmpf.
"Sino sila?" tanong ko. Di ito nakasagot agad, instead ay sumilip muna siya sa loob saka bumaling sakin.
"Mga kaibigan ko. Tanong ka pa eh madalas sila dito." sagot niya.
"Ba't sila nandito? May project ba kayo?"
Bigla nanaman uli tumaas ang kilay niya. "Ba't ba ang dami mong tanong? Bawal na ba 'ko magkaron ng bisita kahit walang project?" tinaasan ko din siya ng kilay. "Parang nagtatanong lang." bulong ko.
"Bahala na nga kayo diyan."
Aalis na sana ako pero bigla nalang sumulpot ang isa sa mga kaklase ni ate.
"Kapatid mo?" napalingon ako ng may pagtataka sa bigla nitong tinanong. Sabay baling ko pa kay ate pero di naman ito nakatingin sakin.
So I turned back to this girl at tinitigan siya. Pasimple ko din itong hinead to toe.
I'm just wondering kung bakit di niya ko kilala. Madalas naman daw sila dito eh tulad ng sabi ni ate. Halos lahat sa mga kaibigan ni ate na dinadala niya dito lagi ay kilala ako, pero ba't siya hindi niya ko kilala?