CHAPTER 9

447 18 1
                                    

Vicky's POV

"Madaming mga bata dito. Pagkalabas mo nang simbahan nagkukumpulan sila, kaya may mga ganyan diyan." paliwanag ni father nang banggitin ko sa kanya ang mga napansin kong mga lata sa gilid ng kumbento.

Oo nga't napansin ko kanina. Madaming mga bata dito.

"Ginagawa kasi nilang taguan diyan kapag ayaw nila na kinukuha ng iba. Alam kasi nila na walang basta-bastang may nakakapasok dito, kaya di nagagalaw yan. Pinapagalitan kasi sila ng mga nagbabantay dito sa kumbento. Eh ako lagi naman akong wala kaya nakikita ko nalang din yaan diyan." natatawang kwento ni father.

Natawa din naman ako. Naalala ko kasi dati nung bata ako. Dahil medyo boyish ako, sama ako ng sama lagi sa mga lalaking bata samin, at nakahiligan din naming maglaro niyan. Ginagawa naming sasakyan. Di pa naman kasi uso bili nun eh. Saka mas maganda kasi yan kumpara sa bili. Maliban sa unique, durable siya kasi di mabilis masira. Mayuyupi lang pero isang pokpok lang ng bato yan balik sa dati na.

Non din kasi spoiled ako kay kuya, kaya kunsinteng kunsinte ako ni kuya, kahit ayaw ni mama na naglalaro ako ng mga ganyan kasi nga daw babae ako. Si kuya din kasi gumagawa sakin ng latang kotse kotse, tas siya din umaayos pag nasisira. Hahahaha.

Nagkekwentuhan lang kami ni father non, nang bigla nalang siya nilapitan ng isang babaeng mula sa loob ng kumbento.

"Father. Handa na po ang makakain."

"Ah ok sige sige." tumango lang yung babae saka bumalik na sa loob. Bumaling naman si father sakin.

"Tara hija. Sabayan mo muna kami."

"Ah naku naku, wag na po father." tapos todo iling naman ako nang natatawa pa. Yung tipong may halong hiya.

"Ha? Sigurado ka? Masamang tanggihan ang grasya."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pero di talaga. Nakunsumi ko na si father, makikikain pa ko? Di na uy.

"Di na po talaga father. Ok lang. Saka paalis na din naman po kami eh. I guess I've already consume so much of your time na nga po eh. Dinig ko kasing sabi ni manang Rosa, may misa pa po kayo mamaya. Kaya aalis nalang din po kami. At pasensya po, medyo nawili kasi ako sa inyo. Hehehe."

"Naku hija. It's nothing. Basta welcome kayo lahat dito anytime you want, I'm always free for people na may gustong malaman about religious matter and christianity. Walang problema sakin ang oras. What matters the most is the learnings. I hope you've get enough infromation from me."

Nginitian ko nang malapad si father.

"Sobrang helpful po father. Not just enough, but so much."

Ngumiti naman si father. "Buti naman."

"Ah sige po father. Una na po ako. Salamat po uli ah?" sabay pinagdaop ko mga palad ko saka nag bow sa kanya.

"Anytime hija. God bless you and ingat kayo~"

"Sige po. Thank you ulit."

Ngumiti si father for the last time saka pumasok na sa kumbento. Ako naman ay umalis na doon, at nadaan nalang sa simbahan para doon na lumabas. Pero bago ako umalis, ay nag sign of the cross muna ako.

Pagkalabas ko ng simbahan ay agad ko namang nakita ang kotse ni Charles sa labasan. Nakabukas ang passenger's seat nito at nakita kong nakaupo pala siya doon.

Nakakunot noo ko siyang nilapitan.

"San ka galing?" bungad ko sa kanya. Napatingin naman ito sakin, pero agad din naman nag iwas saka tumayo.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon