Vicky's POV
Pagkauwi ko sa bahay after a long day, ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko para makahiga na muna.
Nakakapagod talaga. Nag PE kasi kami kanina, at hindi ko inexpect na mag aactivity kaming agad. Nakapalda pa naman ako at wala pa kaming PE uniform, tuloy mas lalo ako nahirapan.
Nasa kwarto na ko ngayon at nilabas ko muna yung drafted plan namin sa project for religious studies.
Our project is all about the history of the saints and also their stories. Aside from researching on web, we are expected to know more about these saints through discovering it by ourselves. Means dapat may way kami of knowing it without the use of internet. Kung kaya't ang naging plano namin, ay ang pumunta ng mga simbahan para makapagtanong-tanong sa mga pari.
Next month pa naman ang deadline nito. Pero dahil ayoko ng last minute rush ay aagahan ko ang paggawa kahit pa walang presensya ni Charles . -_- cause honestly? I'll be better off without him. Tss.
Tinago ko na muna ito after kong irecheck. Saka ay kinuha na phone ko. Naalala ko kasi na sinave niya dito number niya. And like I said, I don't need it cause I don't need his help.
Hinanap ko pangalan niya by clicking 'C' pero wala namang charles dito. I also check the letter 'K' and wala ring Kiefer. Wala din namang magdayao, kaya't sa 'S' ako pumunta. Baka kasi may Satanas -_-
"Hayst. What jerk-ass name did he put bakit wala?"
As I was scrolling, ay may nahagip ang mata kong napakahabang pangalan dito sa 'Y' banda, which is totally unfamilliar to me. It says 'Your Greatest Nightmare'
('____')
Like seriously?
Nagitgit ko ang ngipin ko at idedelete na sana ang number nito--dahil alam kong siya ito--nang bigla nalang akong nabulabog sa pagpasok ni Ate, na ni katok di magawa.
"Ano ba ate?! Kumatok ka naman!" sigawan ko at padabog na naupo ng maayos sa kama ko.
Pinaningkitan niya ko ng mata saka lumabas muli at sinara ang pinto. Ako naman ay nangunot ang noo sa pagtataka.
"Ano trip non---"
*tok tok tok*
Funny -_-
*eeeeeeck*
"Kumatok na ko, ok na?"
Inirapan ko lang siya.
"Irap irap ka diyan, tadyakan kita. May tumatawag sa telepono sa baba hinahanap ka!!"
*BLAG*
Napaigtat pa ko ng may pagpikit. Tunginang Ate! San ka makakahanap ng ganung kapatid? Aba syempre dito lang. Kaya hali na kayo at bilhin niyo na, limited edition. Pft. -_-
Agad naman na kong lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa sala para sagutin ang tawag na ako lang naman daw ang hinahanap.
"Hello?"
[Huy freak. Wag mo ma delete delete ang number ko sa cellphone mo kung ayaw mong tawagan ko lahat ng myembro ng pamilya mo.]
*blag*
('____')
Hey. Who the hell was that?
"Ba't mo binabaan? Kanina pa tumatawag yun dito ah, bastos talaga." ani ni ate na nanonood ngayon ng TV.
"Di ko naman kilala yun eh." napatitig naman ito sakin.
"Eh ba't ka niya kilala? Wag mong sabihing hindi mo alam?" pananarkastiko niya ng naniningkit pa mga mata niya.