Vicky's POVNagmamadali kong inayos mga gamit ko sa bag ko dahil late na ako. Nakalimutan ko kasi kagabi ayusin dahil nakatulog ako ng maaga.
"Vi!" napaigtat pa ako non saka pinaningkitan siya ng mata kalaunan.
"Kumatok ka naman te." nginiwian ko siya.
"Ang tagal mo kasi, bilisan mo may meeting pa si papa."
"Oo na. Binibilisan na nga."
"Pft." pailing iling itong umalis sabay sara ng pinto ng kwarto ko.
Obviously, tapos na ang maliligayang araw namin. Means, tapos na sembreak and we're all back to normal. Back to school and usual basis.
Kasalukuyan nga akong nag aayos ngayon dahil papasok na ko sa school. Naghihintay na din kasi si papa sa baba dahil siya daw maghahatid samin ni ate.
Tumayo na ako non mula sa kama ko at kakamadali ko dali-dali kong hinablot ang jacket na nakalagay sa upuan ko dahilan para mahulog ang laman ng mga side pockets nito.
"Shet." pagmumura ko at padabog na pinagpupulot isa isa yung mga nahulog.
May nakita ako kaninang parang gumulong sa ilalim ng kama kaya sinilip ko at inabot.
Pagkakuha ko, ay tiningnan ko pa muna ito at natigilan ako ng makitang ito yung pendant na binigay sakin ni manang na tindera ng mga tribal necklaces and bracelets don sa tabi ng dagat.
Natigilan ako non dahil bigla kong naalala si CK.
This may sound crazy, but I really thought of him when manang gave me this and told me to give this to someone na bibigyan ko daw ng matamis kong oo.
But now, after what I saw back at the beach, seeing this again just made me think, maybe this wasn't meant for CK. Maybe this is a sign for someone else.
Kunsabagay, ever since day one, I stand no chance. What would I freakin expect? *sigh*
"VI!"
Muli akong napaigtat at kasabay non ay dali dali kong pinasok sa bulsa ko yung pendant.
"ANDIYAN NA!"
Bumaba na ako, at naabutan ko si papa na kausap pa si mama, so I directly sneak inside the car.
Pagpasok ni papa, he checked using the mirror infront and when I saw him looked at me, I beam. Para iwas mapagalitan, papakyutan natin si papa. Hihi.
Umiling iling lang ito ng natatawa pa.
Papa drove us to school. Una niyang hinatid si Ate dahil mas malapit ito.
"Bye pa." ate gave him a kiss on the cheeks bago ito bumaba.
And since she's seated infront ay nilingon pa ako nito. She messes my hair saka tuluyan nang bumaba ng kotse. She waved for the last time then closes the door.
Lumipat naman ako non sa tabi ni papa. Para naman di siya magmukhang family driver. Hihi.
Muli nang nagmaneho si papa and this time, we're on the way to my school.
"Nak..."
"hmm?" sabay tingin ko sa kanya.
"While I'm away, your mom is telling me so much about your ganaps lately." he said habang ang focus nito ay sa harap pa din.
"ahm...what about it?"
"She mentioned about boys."
O____O