Vicky's POVToday is monday, and today is also the opening of our uweek. Wala kaming pasok for the whole week, but our attendance needs to be checked kaya kailangan pa din namin bumalik.
Since our house is a little far from here, ay mukhang tatambay ako dito after a morning attendance para mag antay naman ng 1:30 na afternoon attendance. I have no other choice, nakakapagod umuwi. So might as well enjoy ko nalang amg uweek.
Pagpasok ko sa school, may mga nakatayong stools, na mga kainan and kung ano pang paninda na binigyan ng permission ng school for the uweek. Lagi daw to ginagawa dito sabi nina Cheska, kaya di na daw bago yan.
Besides, there are also so many booth since marami ding clubs ang school. Each club kasi nirequired na mag-booth para may makatuwaan din not just the students of the school, but also other visitors. Because by this week, the university is open for all to enter, including outsiders like people from other school and random ones.
Magkasama kami ngayong lima, wala si Kaye kasi may practice siya. Tapos na kaming mag attendance sa DO for the morning, kaya naisip naming mag ikot-ikot para mag hanap ng prospect. Prospect na mga booth na pwede namin pasukan pag feel na namin.
"Shocks, first day ng booth pero yung horror room ang haba ng pila." kalabit samin ni Bea sabay turo sa horror room na nadaanan namin.
Napanganga naman ako. Ang galing, lunes na lunes saka key aga aga ang haba ng pila sa horror room. Mukhang maganda diyan ah saka mukhang alam na din talaga ng mga tao.
"Matagal ng patok ang horror room ng TU. Kaya expected na yan." Lexie said.
"Oo. Halos ilang sunod-sunod na taon na din kasing hawak ng club ng college of arts ang booth na yan. Di nila mabitawan atsaka di na din pinapalitan sa kanila dahil magaling talaga sila maliban sa cosmetics, magaling talaga sila all in all."
Napatango-tango naman kami ni Bea na parehong baguhan sa TU. Buti nga may mga kaibigan kaming mga integrated students ng TU eh. Kasi sila source of knowledge namin about TU.
"Guys, dalawin kaya muna natin yung sa club natin." pang aaya ni Cheska.
Sumang-ayon naman kami at agad na nagtungo sa location ng booth namin. Nakapunta na kami doon nung ginagawa, kaya alam namin kung saan.
Pagkadating namin ay may mga pumipila na din para pumasok. Yung booth namin is a bird-box concept. Di ko alam ang kabuuan ng dapat gawin, pero ang alam ko may jungle sa loob and they need to finish the track while being in a blindfold. Yun lang idea ko.
Habang sumisilip kami ay napansin kami ni Lara, kaklase namin at isa sa pinakamatalino, remember her? Lumapit siya samin with all smiles.
"Uy, pasok kayo?" napatingin kami sa kanya saka medyo natawa.
"Hindi muna ngayon, chineck lang namin kayo baka kailangan niyo ng tulong."
Ngumiti si Lara. "No need guys. Our club members are active kaya okay lang kami dito. Enjoy niyo nalang ang uweek." tapos kinandatan niya kami.
We just smiled at her atsaka nagpaalam na din kami.
"San tayo ngayon?" Trina suddenly asked.
"Kain kaya muna tayo, nagugutom na ako eh." sabay himas ni Cheska sa tiyan niya.
"Don tayo sa mga stalls sa labas ng coli. Kasi may live band don, para habang kumakain ay makapanood tayo."
"Sige tara." sang ayon naman namin.
Nagtungo na kami sa mga stalls sa labasan at naghanap ng magandang kainan.
Hanggang sa mapili namin yung asalan nang bayan. Yun ang pangalan. Saka maganda kasi kita mula dito yung stage ng live band. Actually wala palang band, pero open mic siya for now. Bale kung sino ang gustong kumanta pwede pumunta sa gitna. Binibigyan daw ng pera kung sino maglalakas loob na kumanta.