CHAPTER 17

560 23 11
                                    


Vicky's POV

Weekdays na uli so we're all back to school na. As we came back, ay pinaramdam na samin ng buong TU ang nalalapit nanamang exam week. Ghad, parang kailan lang kami nag take ng prelim, tapos midterm is coming nanaman.

Kakadismiss lang namin sa klase at diretso agad kami ni Kaye sa caf para kumain. May next class pa kasi kami 1 hour after. Kaya kailangan namin ng lakas dahil major namin yun.

"May long quiz pala tayo sa wednesday. Nakapag study ka na ba?"

Bumagsak naman bigla balikat ko ng maalala ko yung long quiz. Wala kasi ako masyadong kopya sa kanya tapos wala din akong mga photocopy. Baka mag zero ako.

Hindi din naman ako pwedeng manghiram baka kasi ginagamit na nila.

"Hindi pa eh. Wala kasi akong kopya." sabay subo ko. "Pahiramin kita. Paphoto copy mo nalang."

"Talaga? Sige." tumango lang si kaye.

Nagpatuloy na kaming kumain. Sa kalagitnaan non ay sumulpot si Dave na ikinabigla naming dalawa.

"Mabibilaukan naman kami." reklamo ni Kaye sabay kuha ng tubig. Nagkamot lang ito ng batok.

"Ano ginagawa mo dito?" I ask. Naupo naman ito sa harap ko which is katabi ni Kaye. Napausog din naman yung isa habang tinititigan ng paurong si Dave.

"May notes ka ba sa mga subject niyo?"

"ahm..oo. Sa iba. Bakit?"

"Diba magkaklase kayo ni CK sa halos lahat ng subject mo? Pahiram naman akong notes mo. Kokopyahan ko lang siya. Baka kasi sakto matapos suspension niya sa exam week. Para makapag home study siya."

Nakatitig lang ako kay Dave habang nagpapaliwanag ito. Wala lang, I just felt like they have such genuine friendship. Kasi kung hindi, hindi naman lalapit sakin toh para manghiram at kopyahan pa si CK. I wonder what common traits they have to be this close. And I wonder why I'm wondering where 'his none of my business' ika nga niya. Pft -_-

"Sige. Pero after nalang ng classes. Kailangan ko din kasi mag review review." sagot ko dito sabay kain.

"Sige sige. Thank you Vicky ah?" he said while smiling. Then he stood up. Nakaalis na ito pero agad din namang bumalik.

"Nga pala, di ka suplada ngayon ah. Good job." then he patted my shoulder saka humarurot na paalis. Naningkit ang mata ko nang matigilan naman sa ere ang kutsarang isusubo ko na sana.

Now that answers the question of what common traits they have to be that close. Ang pagiging panira nila ng araw at ang kahiligan nilang gawing katatawanan ang ibang tao. Hayst. That monggoloid. Hmpf.

AFTER namin kumain ni Kaye, we went to our class. As usual, nag discuss lang. Focus kami sa discussion ngayon since ang subject na toh ay late na. Means, late na kami kumpara sa ibang section na nagtetake din ng subject na toh. Lagi kasing out of the country teacher namin, attending conferences and semenars. Kaya habol galore kami.

Pagkatapos ng klase, nag announce din siya ng short quiz. Para may grades din daw kami sa quizzes kasi wala manlang daw kaming ka grade grade. So talagang kasalanan pa namin na lagi siya wala? -_-

Meron uli kaming vacant ni Kaye and this time 3 hours na. Pero itong next subjects namin ay di na kami magkaklase.

(a/n: nakalimutan ko na original schedule hihi. So please bare with my wrongdoings. Wrongdoings ano raw? Haha)

"Vi. Labas muna uli ako ah? May bibilhin lang ako para kay mama. May binilin kasi siya sakin, baka makalimutan ko kung mamaya ko pa bibilhin." pagpapaalam nito.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon