Vicky's POVPauwi na kami ngayon ni mama dahil tapos na din namin ideliver yung mga pastries. Sila nalang din daw bahalang magdisplay ng mga yun, dahil may organizer naman sila.
"Nak.." napatingin ako kay mama sa pagtawag niya sakin.
"Okay kalang ba?" medyo nanlaki pa mga mata ko saka umiwas agad sa kanya.
"O-oo naman po. Bakit?"
"Kanina ka pa tulala." sabay taas ng kilay niya.
"Ha? A-ako?"
Ngumiwi naman ito. "Alangan namang ako. Edi nabangga tayo kung ako yung tulala."
"Mama naman." nakangiwi kong sabi. Nahihilig na din si mama mamilosopo.
"Okay lang po ako."
"Sigurado ka?"
"Opo." sabay tango tango ko. Pero nang makita kong hindi siya kumbinsido ay nginitian ko siya at nginiwian niya lang ako.
Bumalik na ang focus ni mama sa pagmamaneho habang ako naman ay muling sa bintana ang tingin. Kaya napatanong si mama kung okay lang ba ako ay dahil kanina pa talaga ako tulala dito sa bintana. Unlike nung papunta kami, nakakapagdaldal pa ko, pero ngayon hindi na.
At kung bakit? Ewan ko... *sigh*
"So since alam mo naman pala lahat, tell me kung anong klaseng pagkakagusto ang meron ako---sayo."
O_____O
*dug dug dug dug*
"oh diba di ka makasagot? Kasi nga hindi kita gusto. *smirk*."
.
"Hmpf! Hindi din naman kita gusto, ulol!"
*roll eyes*
"Ano yun nak?"
Kaagad akong napatingin kay mama with my eyes wide open. Ay litse, nakalimutan ko magkatabi pala kami ni mama. *hampas noo*
"W-wala ma..he-he."
Tumaas na ang kilay niya. "Kanina ka pa wala ah, eh nadinig kong may sinabi ka."
Lalo lang nanlaki mga mata ko at napapalunok na ko. "Wala kaya..b-baka guni guni mo lang."
"Kita mo toh. Ginagawa pa kong baliw."
Pasimple akong napakamot sa ulo ko.
"Ikaw ba Vicky, may tinatago sakin?"
"Hala siya! W-wala ma." sabay iwas ko ng tingin at doon na ako napakagat sa ibabang labi ko.
"Eh bakit ka nauutal? Kabang-kaba?"
"Mama talaga. Wala. Ako pa ba?" tumango tango siya. "Oo nga naman. Ikaw pa ba?" sabay tingin niya sakin with a playful look and a smirk.
Napangiwi ako sabay kamot batok.
"Grabe si mama." bulong ko nalang sabay iwas ng tingin sa kanya.
Mamaya niyan titigan niya pa ko tapos malaman niya pa. Medyo matalas pa naman ang radar niya sa mga ganyan-ganyan.
After a long travel, ay nakarating na din kami sa bahay. Si mama dumiretso na muna sa taas para ihanda mga gamit niya for tonight's party. Like I said she's invited kaya aattend siya. Actually we're also invited, pero ayoko sumama. Nahihiya kasi ako sa mga ganyang party lalo na't sobrang bongga pa don base sa nakita ko kanina. And it seems like rich professionals are likely to be the VIP guests. Alam niyo na...