CHAPTER 30

494 24 8
                                    


Vicky's POV

Pagkatapos nang assembly, ay nang aya si ate na kumain daw muna kami sa caf. Maliban don gusto niya din daw makita itsura nang cafeteria namin. If may nagbago ba or same old cafeteria pa din nung time na kumain sila dito nung gumraduate si kuya.

"Pinalaki ata nila." she said habang naghahanap kami ng mauupuan.

"Bakit? Maliit ba toh dati?"

"Oo."

"Mas maliit sayo?"

She glared at me kaya nag peace sign ako.

Nang makahanap na kami nang mauupuan, ay naupo na doon si ate. And as usual ginawa nanaman akong utusan using her key card panganay ako. Utot mo.

Nakapila na ako ngayon para omorder at pagkatapos bumalik ako agad sa table namin.

Nilapag ko na sa mesa order ko saka naupo na.

"Uy may kwento ako." paninimula niya.

Pakagat na ko non sa sandwich ko pero natigilan ako sabay tingin sa kanya.

"Kanina, naihi ako. Lumabas akong coli at nagkanda-hilo hilo ako kahahanap ng CR niyo."

Napanguso naman ako saka ilang beses nagkurap ng mata.

"Bakit? Lumabas ka pa ba?"

"Oo naman. Alangan naman hayaan kong maihi ako don."

"Sira. May CR naman sa loob ng coli ah. Nasa likod ng stage." at nang siya na ang pasubo ng pagkain ay natigilan siya at unti unting napangiwi.

"Ba't di mo naman sinabi?"

"Hala siya. Andon ba ko? Saka nagtanong ka ba? Tsaka hello may coli din sa inyo. Di mo alam na may CR sa loob?" naningkit naman ang mata niya at agad niya pinitik ang noo ko.

"Pinagmumukha mo kong tanga."

Eh?

"Ate. Di ko kasalanan kung tanga kang tunay." napanganga siya at mukhang nabigla sa sinabi ko kaya tinawanan ko siya.

"Tss. Nahiya tuloy ako don sa lalaking pinagtanungan ko kanina. Naggegewang gewang na ko non eh. Buti nalang mabait."

"Sino?"

"Di ko nga kilala. Pero pag nakita ko, maaalala ko naman mukha niya."

Tumango tango lang ako. Pinagpatuloy na namin ni ate ang pag kain habang nagkekwentuhan, hanggang sa mapatigil siya.

"Si CK ba yun?"

O____O

"CK!" she called out.

-_-

"Uy, nandito ka pala?" dinig ko namang biglang may nagsalita mula sa likuran ko na palapit ngayon sa table namin.

"Ow~ ikaw nag attend kay Vicky?" he asked nang makita niyang kami magkasama ni ate.

I looked at him. "Alangan namang sayo mag attend eh ako kapatid." sabay irap ko at sinubo na ang sandwich sa bibig ko.

"Ang suplada nang kapatid mo. Di nagmana sayo."

Gago ka ba? Kompara mo kami nang ate ko, eh magkaiba kami. Saka sino nagsabing mabait siya?

"Hala ka. Di naman ako mabait ah."

"Pero mas mabait ka nga lang kumpara sa kanya."

Nagtawanan silang dalawa. Pero like duh, di ba nila ramdam na I'm getting uncomfortable now? Tss.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon