Vicky's POVBalik na ulit kami kinabukasan sa school. Nagresume na kasi ang classes tulad nang sabi nang department chair sa announcement niya.
Nasa loob na ako ng classroom namin ngayon. Kaunti palang mga students dito dahil wala pa namang 7:30. Sina Kaye, Cheska, Lexie at Bea wala pa din. Masyado ata akong napaaga ngayon ah.
Nilabas ko nalang ang phone ko and as if on cue ay biglang dumating sina Cheska at Bea. Nabigla naman sila nang makita ako.
"Ang aga mo ata ah." panunukso sakin ni Cheska habang pinapatong ang bag niya sa upuan niya.
"Ano meron?" Bea asked. Pinaningkitan ko sila ng mata.
"Pag maaga pumasok, dapat talaga may something? Kayo talaga." sabay ngiwi ko. Tumawa lang naman sila saka naupo na pero yung tipong nakaharap sakin.
"Nakakapanibago lang kasing masyado kang maaga." Cheska said.
Medyo nakagat ko pa ibabang labi ko. Actually, first time ko nga atang naging mas maaga keysa sa kanila eh. Kasi naman...basta na nga lang.
"Natakot lang ako baka matulad ako kahapon eh. Alas nwebe na ko nagising. Kaya mas maaga ako nagising ngayon."
Naalala niyo naman siguro ang nangyari kahapon. Yung alas nwebe na ko nagising. Kung may pasok yun, malamang absent nanaman ako.
"Wala namang pasok kahapon eh."
"Yun na nga eh. Hindi ko alam na walang kaya nataranta ako. Buti na nga lang walang pasok."
Nagtawanan lang silang dalawa.
Nagpatuloy ang kwentuhan naming tatlo at lumilipas din naman ang oras. Unti-unti na ding nagsisidatingan ang mga iba pa naming kaklase. Pati si Lexie dumating na din at magkasunod lang sila ni Kaye dahil mga ilang segundo lang dumating na din si Kaye. Si Trina dumating na din. Nilagnat daw siya kaya di nakapasok ng ilang araw.
Mas lalo pang lumalim ang kwentuhan sa pagdating nung iba. Kung san-san na napunta ang mga topic namin. Hanggang sa dumating na din sina Red, Clinton at Dave. Pero wala si CK.
Nginitian nila kami kaya nginitian din namin sila. Pagkatapos ay napatingin ako sa pinto.
"Wala nanaman si CK." sabi bigla ni Cheska saka muli na silang bumalik sa pakikipagkwentuhan.
Asan nanaman kaya yun? *pout*
Nang mag bell na ay sakto na ding dumating prof namin at nag start na ito nang klase. Nag lecture lang siya and gave us a short quiz after.
Pagka-dismiss namin ay pasimple kong nilapitan sina Red.
"Red.." tawag ko dito sabay kalabit. Napalingon din naman siya sakin at agad napangiti.
"Oy Vi." he said.
"Ahm...asan si CK?" napakurap ng mata si Red.
"Ewan ko. Di namin siya nakita mula kaninang umaga eh. Saka di din nag text kung may pupuntahan ba siya or what." kibit balikat nito. Saka nilingon sina Clinton at Dave.
"Kayo ba? Nakita niyo si CK?"
"Hindi rin." sagot ni Dave habang nagkibit balikat lang din naman si Clinton.
Napanguso nalang ako.
"Asan na kaya yun?" bulong ko.
"Bakit Vi? May kailangan ka ba sa kanya?" naigtat ako at ilang beses napakurap ng mata.
"W-wala naman. Never mind nalang. Thank you." tapos nag wave na ko sa kanya. Nag wave din naman siya pero yung tipong nagtataka sa nangyayari.
Agad naman akong bumalik kanila Cheska. Buti nalang di pa din nila ako napapansin kasi nag-kakanchawan sila. Pero napansin ko si Trina nakatingin sakin. At nang makita niyang nakatingin na ko sa kanya agad siyang nag iwas.