Vicky's POV
First day in school. Since this is a new school now, well everything seems to go so new. New environment. New rules. New people. And...new friends? Well, I just hope I'll be able to find new FRIENDS.
"ID."
Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Wala manlang good morning kuya?" pananarkastiko ko dito habang nilalabas ang ID ko.
Pinaningkitan niya lang din naman ako ng mata sabay tiningnan ID ko.
"Ok na." sabi nito sabay bitaw.
Napangiwi nalang ako. Kaya minsan mas madami pa kwento ng mga estyudante tungkol sa mga ganyang guard, keysa sa lessons eh.
Inayos ko na muna ang pagkakasuot ko ng ID ko habang papasok ako.
*beeeeeep*
Napaatras ako bigla nang wala sa oras at matamang napatingin sa bumusinang sasakyan na dumaan sa harapan ko.
"Ay. May ari nang daan?" I murmur nang kumurap-kurap pang tinitingnan yung sasakyan nila habang tumatawid.
"Ok. See ya on class."
Nginiwian ko yung mga lalaking lumabas mula don sa sasakyan na nag-aapiran pa ngayon sa daan. Confirmed. Kanila nga tong daan.
I just rolled my eyes and take the other way.
Habang naglakakad ako ay nilabas ko muna yung enrollment form ko kung san nakasulat ang 1st semester schedule ko.
Di pa naman siguro sila magsastart nang classes ngayon ano? Mukha kasing mahihirapan pa ko dito, since hindi naman ako nag enrol sa sarili ko. Si kuya naman nag enrol sakin. Dito kasi gumraduate si Kuya. But I've never been here since I graduated high school at our place back in the province. So...dayo ako dito. Hehe.
By the way. According to my enrollment form, I should go to the Discipline office daw muna para mag pa-attendance because there will be no regular class today.
Ay ok. Mabuti naman kung ganun. Magpapaattendance nalang daw muna. Ang konti ko nalang problema ay kung saan dito ang DO nila.
"Let's go na sa discipline office. There will be no reg class today but it says here that we'll going to have our attendance at the DO so let's get going. Para makapag coffee na din tayo sa bagong bukas na coffee shop jan. I heard the newly opened totally rocked the millennial taste."
"I also heard it. Well. Let's see what they really got."
Sinundan ko ng tingin yung dalawang babae nang nakataas ang kilay.
I don't see what's really interesting about coffee. All coffee shop serves same taste coffees. Tss. And why am I so interested in all these rich people's hubby? Pft. Ang dapat kong gawin sa eskwelahan na toh, ay mag aral ng mabuti. Hindi ang matahin mga matapobre dito 😑
Sumunod ako don sa dalawang babae, dahil mukhang alam nila ang papunta sa DO. At nang makarating na, ay nalula akong bigla sa haba ng pila. Haynaku naman. Mas madami akong magagawa sa oras na pwede ko ipila rito. Ka-first day ng school ka imbyerna.
Medyo padabog akong tumungo sa pila.
"Excuse me...coming through...excuse us."
Napaatras naman akong bigla dahil sa biglang pagtulak sakin ng babae. Nangunot ang noo ko dahil sa bigla nilang pag pwesto sa sanang pwesto ko.
"There you go babe. I told ya. I got a spot for you." then kinurot pa nito ang pisngi nang lalaking kasa-kasama niya at ngumiti-ngiti pa ito sa iba pang mga kasama nung lalaki--na kung saan ay namumukhaan ko ang pagmumukha ng mga yan.