CHAPTER 51

115 7 7
                                    


Vicky's POV

"Pikit ka." utos sakin ni ate na sinunod ko naman.

Siya ngayon ang nag aayos sakin para sa acquaintance party namin tonight. Di na kami kumuha ng make up artist since di naman talaga pang bonggahan ang party and casual lang siya kung tutuusin kaya light make up lang din ang kailangan. Si ate lang mahilig samin sa mga palamutin sa mukha at sya ang madalas mag ayos kaya magaling siya pagdating sa ganito. Libre na niya toh sabi niya. sus, kung di ko lang alam, di ko iisiping libre niya talaga at di dahil may sikreto siyang alam ko. muhahaha--joke.

"Tingin nga." minulat ko na non mata ko at grabe naman titig ni ate sakin. "Okay na yan." dugtong niya saka pinatong na yung mga ginamit niya.

Nilapit ko naman ang upuan ko sa malaking salamin na nasa gilid ng mesa ko at doon ko pinakatitigan ang sarili ko.

Natilt ko pa ang ulo kakatitig. At bigla nalang pumasok sa utak ko na kahit anong gawin ko sa sarili ko, hindi pa din ako ang magiging sugar and spice ni Charles Kiefer Magdayao. Tsk.

"Ayos ba?" tanong sakin bigla ni ate na nagpabalik sa ulirat ko. Napakurap ako ng mata saka tumango kalaunan.

"May maganda ka na ding nagawa. At ako yun." pabiro kong sabi sa kanya sabay taas baba ng kilay ko.

"Pft. Magbihis kana, at ihahatid ka ni mama." tangi lang sabi nito habang nililigpit ang make up set niya.

Tumango lang ako atsaka tumayo na mula sa inuupuan ko at nagtungo sa banyo. Nandon kasi ang damit na susuotin ko naka hanger sa pinto.

Pagkapasok ko ay napadaan ako sa malaking salamin sa banyo ko. At doon ay pinakatitigan ko nanaman ang repleksyon ko.

I look fine. But I feel not.

Bumuntong hininga ako at umiling. Then nagbihis na ako.

After ko magbihis ay sinukbit ko na ang shoulder bag na susuotin ko atsaka lumabas na ako ng kwarto. At habang pababa ako ng hagdan ay sakto ding lumabas si mama mula sa kusina kaya't napatingin ito sakin.

Nang makababa na ako ay nginitian niya ako.

"You look so beautiful tonight." medyo hinaplos niya pa ang pisngi ko. Natawa naman ako ng bahagya.

"What? I'm telling the truth." Agad na bwelta ni mama.

Tumigil naman ako saka umiling. "No. Your statement just sounds like a lyric from a song beautiful in white, kaya ako natawa."

"Does it?" tapos bigla napaisip si mama at nakita kong binibigkas ito ng labi niya at sa palagay ko ay kinakanta niya pa sa isip niya.

"Oo nga no?" Tas natawa din siya kaya di ko na pinigil ang sarili ko at natawa na din ako.

"Sira ka talagang bata ka." natatawang sabi ni mama. "But kidding aside, you look so pretty."

"Thanks ma. Nagmana lang naman ako sayo." then I bumped my shoulders against hers. Nakita ko namang napaurong ang bibig ni mama kaya natawa nanaman ako.

"Tara na nga. Binobola mo nanaman ako." Mas lalo lang akong natawa habang sumusunod sa kanya palabas ng bahay.

Hinatid na ako ni mama sa school at nang makarating na kami ay may inihabilin pa ito sakin.

"Enjoy your night anak and get to know more people. This acquaintance party is for you and your college journey. Kaya lubusin mo na. Party with your friends and with good guys as well dahil isang gabi lang toh." sabay kindat pa nito sakin. "Kasi bukas you're going back to being papa's daughter na hindi pa pwedeng lapitan ng boys." natatawa nitong sabim

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon