Vicky's POVI am now currently alone in my room. Nagsa-start na kasi akong mag review for next week's exam. Okay na yung mas maaga, para naman may mga advance knowledge ako.
Habang nagme-memorize ako ay narinig ko naman ang biglang pagtunog ng phone ko kaya inabot ko agad iyon.
I received a message from Charles. Tumaas ang kilay ko. Now what does he wants?
From: Unknown
Pumunta ka dito sa bahay.Mula sa pagtaas ay nangunot na ang noo ko. Base sa text niya masasabi kong wala siya ngayon sa katinuan. Makademan siya, ano? Katulong niya ko? Porket dalawang beses na ko nag hatid ng notes sa kanya namumuro siya? Hmpf. Bahala siya diyan.
Ilalapag ko na sana non ang phone ko ng tumunog nanaman ito. Kaya kinuha kong muli saka binasa.
From: Unknown
You already owe me a lot. Kulang pa tong inuutos ko sa mga nangyayari sakin ng dahil sayo.*pout*
"HAYUP KA!!" ibinaon ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko saka padabog na bumaba sa kama ko.
Wala na akong nagawa kundi ang dumiretso nalang sa banyo para maligo at magbihis, dahil pupuntahan ko nalang siya. Huhu--he's already blackmailing me with what he did for me. Sana kasi nagpasampal nalang ako don sa ex ni Brena, keysa naman sa ganituhin niya ko lagi. Hmpf.
Pagkatapos kong mag ayos ay dinala ko na lahat ng notes ko para makapagbasa din ako sa byahe.
Nagpaalam na din ako kay mama at nang malaman niyang pupunta ako kanila Charles, wala na siyang madaming tanong, pinayagan ako agad. Tss. Pati si mama napaniwala niyang mapagkakatiwalaan siya. Hay naku kuya cardo~
Bumyahe na ko sa kanila. And in less than 15 minutes ay nakarating na din ako. Tulad nung nakaraan ng makita ako ni kuya guard wala na siya tanong, pinapasok ako agad. Malamang, nagbilin na si tita Liz sa kanya eh hahaha.
Tapos sinalubong ako uli ng mga katulong nila.
"Nasaan po si Charles?" I ask.
"Nasa kwarto niya po." napangiwi ako.
Nandon nanaman siya sa kwarto niya. Hays, lumabas-labas naman siya sana. Di na nga siya pwede lumabas ng bahay di pa siya lumalabas ng kwarto. Pft.
"Hatid ko na po kayo."
"Ah hindi na ate. Ako nalang pupunta don, alam ko naman na din ang daan papunta don eh." nakangiti kong sabi dito.
"Ah sige po." nag bow ito ng bahagya saka umalis na.
Ako naman ay umakyat na sa taas nila para puntahan na si Charles sa kwarto niya. Paprinsepe din talaga ang isang toh. Ako na nga pumunta dito, tapos aakyatin ko pa napakataas nilang hagdan para puntahan sa kwarto niya. Instant utusan na talaga ako.
Nang nasa harapan na ako ng pinto niya ay kinatok ko na ito. Mga ilang katok pa yun bago niya ko pinagbuksan.
Agad ko siyang nginiwian ng taasan niya ko ng kilay.
"Ba't ngayon kalang?" Nanggitgit ako kasabay ng pagkunot ng noo ko.
"Ano tingin mo sakin? Message? Pagka-click ng send wala pang isang minuto sent na? Huy! Tao ako ah." sabay cross arms ko at inirapan siya.
Bigla naman akong hinila nito papasok sa loob ng kwarto niya na ikinabigla ko. Napahiyaw pa ako non. He then slammed the door close.
"MAKAHILA KA!" sabay kuyom ko ng kamay ko at padyak ng paa ko.