CHAPTER 3

566 23 1
                                    

Vicky's POV

Kahit pa umiinit ang ulo ko ay hindi ako umabsent sa mga natitira naming classes. Pero yung Magdayao ang wala and I thank God for that.

Nakauwi na ko ngayon, at dumiretso na ko sa kwarto ko para magpahinga. Baka kasi makita nanaman ako ni Ate at utusan nanaman ako.

Hindi pa ko nakakahiga ay nabulabog na ko nang malakas na katok sa pinto.

Napakamot ako ng marahan sa ulo ko at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok na alam ko naman kung sino.

"Ate ano ba?" naiirita kong sabi.

"Nagtext si mama--"

"Nagtext si mama ang sabi pumunta KA sa shop--" sabay turo ko sa kanya. "at hindi AKO." turo ko din sa sarili ko.

Tinaasan niya ko ng kilay at nagcross arms pa sa harapan ko.

"Masyado kang advance mag isip. Ang sabi ni mama, magbihis ka daw at sumunod tayo sa kanila sa resto." at inirapan niya ko.

Napangiwi nalang ako atsaka nagkamot nang ulo. Pasensya naman, masyado na kasi mabili mga paganyan niya kaya di din naman mawawala sakin ang pagdudahan siya.

Isinara ko nalang ang pinto at nahiga muna.

*bzzzt bzzzt bzzzt*

Agad kong inabot ang cellphone ko at meron akong message galing kay Kaye.

From: Kaye
Vicky, nakauwi ka na ba?

Napanguso ako.

To: Kaye
Oo Kaye. Nakauwi na ko. :)

She immediately replied.

From: Kaye
Are you alright?

Napangiti ako. This is what I need right now. Someone who knew what I'm going through and someone who could ask me if I'm ok.

To: Kaye
I'm feeling a little ok. :)

Pinatong ko muna cellphone ko sa gilid nang lampshade at nagbihis na tulad ng sabi ni Ate. Sumunod daw kami kina mama sa resto eh. Wag niya lang ako mabudol-budol ngayon dahil wala ako sa mood. -_-

Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko uli phone ko to check if there was a message.

From: Kaye
I wanted to hear you become better. Pero dahil mukhang di ka pa nga ganun ka ok, take a rest nalang muna. See you tomorrow.

Napangiti nalang akong muli. I was about to compose a message when she messaged me again.

From: Kaye
And don't forget to run to me if you wanted someone to lean on. You can count on me. :*

Nakahinga ako with ease. Pakiramdam ko nabawasan yung supot sa paghinga ko. Thank God I have Kaye now and I'm happy that she's willing to listen to me.

"VICKY! BILISAN MO!"

Pinasok ko nalang muna sa shoulder bag ko ang cellphone ko saka lumabas na nang kwarto.

"Coming!" I shouted back.

"Ba't ang tagal mo?" pagrereklamo niya habang pababa ako ng hagdan.

"Parang ilang minuto lang, matagal na?"

"Malamang. Tumatakbo ang oras eh." nakataas kilay niyang sabi.

Tss. Di ko muna siya papatulan ngayon, wala parin kasi ako totally sa mood ko. "Tara na. Baka naiinip na sina mama." at nauna na itong maglakad sakin.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon