CHAPTER 15

582 19 14
                                    

Vicky's POV

*sound of ambulance*

Takip takip ko pa din ang mukha ko at hindi na ko makali habang tumatakbo ang ambulansya.

Mangiyak-ngiyak na din ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit pa kasi kailangang umabot sa ganito kalala ang nangyari? Pwede naman kasing idaan sa masinsinang usapan. huhu. Pag may nangyaring masama sa kanya, di ko na alam gagawin ko.

Nakarating na kami sa ospital at pagkadinig palang ng mga nurse ng umaalingawngaw na tunog ng ambulansya, ay nagsilabasan na agad sila mula sa loob.

Tumakbo sila agad para tumulong ng ibaba na ang higaan. Napatakbo na din naman ako kasabay ng mga natatarantang nurses.

"Hanggang dito nalang po muna kayo miss." harang sakin nung nurse.

Tumigil naman ako sabay tingin sa kanila ng isara na nila ang kurtina.

Napabuga ako ng malakas, sabay naupo dito sa waiting area ng may bigat sa loob. Napahawak ako sa dibdib ko.

Kinakabahan talaga ako. Pano kung may nangyari sa kanya? Ano gagawin ko? Ano gagawin namin?

"Vicky." napalingon akong agad as I heard that voice.

Lumapit ito sakin at agad ako napatayo.

"Kamusta na siya?" napatingin naman ako doon sa direksyon kung saan siya pinasok.

"Hindi ko alam. Kararating lang namin." napabaling din naman siya doon at napailing nalang.

"Ang bobo kasi." kinunotan ko siya ng noo saka hinampas. Napahiyaw naman din ito.

"Ikaw kasi Charles! Pinasobrahan mo kaya umabot sa ganito." maktol ko sa kanya.

Ghad. You guys would not actually believe, pero sinugod namin dito sa ospital yung ex boyfriend ni Brena nang dahil dito kay Charles.

"Kasalanan niya naman. Manghahamon, tapos wala namang laban? Noob." pailing iling nito. Pinaningkitan ko siya ng mata.

Kita mo na? Muntik na nga niya mapatay yung tao, tapos nagyayabang pa. Hayst.

"Tigilan mo nga yan. Pwede ka makulong ng dahil sa ginawa mo." saway ko dito. Eh totoo naman. Nasa tamang edad pa naman na siya. Pwede na siya makulong.

"Kasalanan mo din naman." napanganga ako. "At bakit ako?" kunot noo ko dito.

"Sabat ka kasi ng sabat. Uminit tuloy ulo niya sayo. Kung di ko pinatulan yan, malamang ikaw ngayon ang nakahiga don at hindi siya."

Umurong bigla ang labi ko at nakagat ko pa ito. Tapos ilang beses akong napakurap ng mata.

FLASHBACK--

"Stay away from her."

The guy stopped, and so as my heart beat. He was taken aback and slightly tilt his head. Then a laugh came out from him.

"Hell. What a badass player, CK. Kung talaga ngang totoo relasyon niyo ni Brena, then salute you for publicly cheating on her." then the guy did a mini salute tapos ngumisi itong parang demonyo.

"Just stay away, Leo. She has nothing to do with your whole shit problem with Brena."

Bigla namang nag straight face yung lalaki na ikinakaba ko. Ghad. He's the creepiest guy I've met so far. He's making expressions that is giving me chills. Like seriously.

"The shit is not on me. The shit is on you. We wouldn't have any problem if it wasn't for you who intervened way beyond the line."

I saw Charles tilt his head and saw him smirk when he looked at the other side.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon