CHAPTER 4

602 18 0
                                    

Vicky's POV

A week have passed, and it's weekends already. This time I could spend more time at home, just chillin. Kahapon palang kasi nang matanggap na namin assignment namin sa religious studies, ay sinagutan ko na agad para work free na ko ngayon. Except nalang that I'll be dropping by our pastry shop dahil wala si mama.

Sasama daw kasi siya kay papa sa pupuntahan nitong meeting. Kaya iniwan niya samin ni Ate ang shop. Mamaya pa naman yun, sa ngayon matutulog na muna ako.

Around 3 PM when Ate wake me up. Signal na magbihis na ko dahil toka na namin sa shop. Nakaalis na daw kasi sina mama, di lang nakapagpaalam kasi dumiretso na sila nag text lang siya kay Ate.

Nag-ayos na rin naman ako at sabay na rin kaming kumain ni Ate. Pagkatapos ay nagtaxi na kami papunta sa shop. Doon ay naabutan namin si Tina na naglilinis.

"Hey buddy." tawag ko dito. Natawa lang naman siya atsaka kumaway sakin.

Tina is my age by the way. But she's out of school na dahil di na kinaya ng parents niya ang pag-aralin, kaya ay naghanap nalang muna siya ng trabaho, which obviously ay napadpad siya dito sa shop namin.

Matagal na siyang helper dito. Kahit pa nung nag-aaral pa ko sa bohol, ay katuwang na siya ni mama dito. Close kami niyan kasi minsan na siyang nadala ni mama samin ng nagbakasyun sila doon.

"Kamusta na nga pala nanay mo, Tin?" tanong ko dito. Nadinig ko kasi kay mama na kaya siya pinauwi the last time ay dahil sinugod sa ospital yung nanay niya. Inapoy daw kasi ng lagnat.

"Ok na din naman siya. Nagpapahinga nalang ngayon." nakangiti nitong sabi.

Masayahin yan. Despite of their situation at home, ay hindi nito nabura ang ngiti sa mga labi niya.

They are 7 sibblings in the family. Pang apat siya sa kanila. Yung panganay nilang kapatid, ay naglayas hindi na nakabalik pa 3 years na ang nakakaraan. Yung pangalawa naman, ay may pamilya na rin at nakatira lang din sa iisang bahay kasama nila. Yung pangatlo ay lalaki, at pariwara sa buhay. Tapos siya, at yung sunod sa kanyang Grade 6, tapos Grade 4 at Grade 1. They were abandoned by their father, at sakitin pa nanay niya. Pero kahit nakakaramdam na ng panghihina, as mother as they are, di nila kayang tiisin gutumin mga anak nila kaya't kumakayod pa din nanay niya kahit pa may mga dinaramdam na ito na nagpapalala sa kondisyon niya.

Naaawa si mama kay Tina, kaya kahit wala siyang experience sa kahit anong trabaho ay tinanggap niya ito the moment she knew about their situation. Maaasahan naman si Tina at masipag siya. Kaya wala ding naging problema si mama sa kanya.

Yun lang ay madalas siyang wala dahil sa mga problema nilang sunod sunod minsan. Kung eevaluate nga parang siya ang lalabas na panganay dahil siya nalang ang katuwang ng nanay niya.

"Eh ikaw ba? Ok ka na? Sabi ni mama hinimatay ka raw?" sulpot ni Ate habang nagsusuot ng apron.

Napabaling naman din ako kay Tina at bakas sakin ang pagkabigla. I didn't knew about that.

"Ok na po ako Ate. Sobrang pagod lang talaga ako non." nakangiti pa din siya habang sinasabi yun.

"Di ka siguro kumakain ng maayos." dagdag ko at tumungo na sa counter para magsuot na rin ng apron.

Pilit itong tumawa saka ay naghagod ng batok.

"Diba sinasabi naman ni mama sayo? Kapag wala kang pambili ng makakain lapitan mo lang siya o di kaya kami. Di naman ikinakaltas sa sweldo mo yun." napayuko naman ito at mahigpit na napahawak sa hawak niyang basahan.

"Pasensya na po kayo. Nahihiya na kasi ako. Ang dami ko nang dinalang problema sa inyo. Kung tutuusin, mas malaki pa nga natutulong ninyu sakin sa dapat na sinisweldo ko lang."

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon