CHAPTER 27

469 19 3
                                    


Vicky's POV

Monday...

Ghad, it's monday again, at nagmamadali na kong mag friday. Ngayon na umeepekto sakin ang katamaran. I'm just happy that thinking about my fam motivates me to wake up early in the morning para pumasok. Hahays, kasi kung hindi, malamang ngayong oras na toh tulog pa din ako sa bahay.

Papasok na ko ngayon sa first class ko.

Nang nasa loob na ko, I went straight to my seat at sinulit ang remaining time na wala pa teacher namin. Sana wala muna si miss ngayon para makatulog ako sa library.

Kulang na kulang tulog ko because hello, it's a freakin' 7:30 am class and mom wake me up at exactly 5 am. Parusa daw kasi late na ko lagi nagigising. Huhu. And take note, she told me not to fall asleep until my bath time which is 6. Ang sakit! Parusa nga kasi diba? Whaaaaa.

Nakayuko lang ako ngayon sa desk ko at ginagamit kong unan ang braso ko. Wala pa din naman si Kaye kaya wala din ako makakausap ngayon.

I was about to fall in a deep sleep nang mabulabog ako ni Dave na bigla nalang tumabi sakin.

I glared at him but he just beamed.

"Ang aga aga Dave." sabay irap ko sa kanya at babalik nanaman sana sa pagkakayuko nang pigilan niya ko.

"Wag ka na matulog, nandiyan na si miss mamaya eh."

"Tigilan mo nga ako, wala pa nga siya inaantok pa ko." sabay irap ko. Pero nahuli ko siyang nginingitian ako ng nakakaloko kaya muli akong napabaling sa kanya.

"Bakit ka antok? Puyat kagabi noh? Sino pinupuyatan mo? Si CK noh?"

Nanlaki mata ko.

"Pinagsasabi mo?"

"Yieeee, si CK talaga."

Lalo lang nanlaki mata ko.

"Hindi noh! CK is no better para pagpuyatan." bwelta ko pero he just smirked at me.

"Talaga ba? Kahit nung party kina Red magkasama kayo buong magdamag? Diba pagpupuyat din yun?"

O_____O

"T-tumahimik ka nga!" sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

O////////O

Okay so bakit nag-iinit mukha ko? Bakit? Can someone explain why?

"Kinikilig si Vicky. Yieeee~" tapos sinundot-sundot niya pa tagiliran ko kaya hinampas ko siya.

"Pwede ba layuan mo ko kung mga walang kwenta lang din sasabihin mo!"

Pero kung tinamaan ka nga naman ng lintek, tinataboy na ngising ngisi pa din. Baliw na toh.

"Eto naman. I just wanna great a good morning." sabay kindat niya. Tumaas naman kilay ko dahil naweweirduhan ako sa kanya.

What's his deal now?

Tumayo na si Dave mula sa pagkakaupo at sakto ding dumating sina CK and Clinton...but without Red.

Dave didn't seem to notice it kasi bumalik siya uli sa pwesto ko.

"And Red told me to say good morning to you daw. Wala kasi siya ngayon, so he just relayed the message." sabay kindat ni Dave at agad na tumungo sa upuan niya.

Napanguso naman ako. Nakakapanibago talaga ah? Why would Red relayed a good morning to me?

Napailing ako at nang mag iwas ako ng tingin ay nahagip ng mata ko si CK na nakatingin ngayon sakin ng nakataas ang kilay. So I looked at him at pinaningkitan siya ng mata.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon