Vicky's POVIt was such a long night last night. Actually, inumaga na kami ng uwi. As far as I could remember, alas dos na kami nakarating dito sa hotel. Dagdagan mo pang pabuhat na yung iba dahil wasted na talaga.
Tulad nalang ni Dave. Buhat-buhat na siya ni Clinton non. Si Cheska ganun din. Inaalalayan na siya nina Bea and Lexie.
Kaya dahil diyan, heto sila ngayon at nagpapasakit ng ulo. Buti nga. Unang gabi palang kasi, walwal na kung walwal.
"Hindi ko na talaga uulitin yun." nakapikit na sabi ni Cheska habang hinihimas ang sintido niya.
"Sure ka?" pananarkastiko ni Lexie nang nakangiwi pa.
"Oo no. Yun na nangyari sakin, tapos resulta pa tong sakit ng ulo ko uulitin ko pa?"
"Okay. Sabi mo eh. Sure mo yan ah. Kasi pag yan inulit mo, tatama yung bote sa ulo mo."
Napanguso si Cheska sa naging litanya ni Lexie habang kami naman natawa lang.
"Parehas lang kayo ni Dave. G na G sa inom, tapos ang ending magpapabuhat pala." ngiwi din ni Clinton na kanina pa masama ang tingin kay Dave na natutulog ngayon dito sa hapag.
Nasa buffet area kami, at di naman kami kumakain. Nagkakape lang at nagpepenestensya din sila at the same timw.
"Sarap nga nila untugin dalawa." gatong ni Bea.
"Speaking of dalawa, asan nga pala sina Red at Trina? Parang kagabi pa sila MIA."
Dahil diyan, ay muli ko nanamang naalala yung nangyari kagabi. So wala silang ideya sa naging pagtatalo nung dalawa? Inshort sa nangyari sa kanila?
"Ewan ko." says Clinton
Maya maya pa, bigla nalang sumulpot si CK out of nowhere, then tumabi ito sakin. Pagkaupo niya ay nilagay pa niya kamay niya sa likuran ko, nakapatong sa sandalan ng upuan.
Pagtingin ko kay Bea, ay nakatingin ito samin at nakita ko pa ang bahagya nitong pagngiti kaya ginitgitan ko siya. Sira ulo talaga.
"Ikaw bro, okay kalang?" tanong sa kanya ni Clinton.
"Oo naman. Di naman ako masyadong lasing kagabi."
"Ah 'di ba?" pagtango tango ni Clinton pero halata ang nakakalokong ngiti nito. "Kaya pala may binibigkas kang pangalan kagabi." pananarkastiko pa niya.
Sinilip ko si CK at naningkit ang mata nito. Maya maya lang may kumalabog na sa ilalim ng mesa at kasabay non ang biglang paghiyaw ni Clinton.
"Ay, may tinatago~" turo turo sa kanya ni Lexie na may nakakalokong ngiti pa.
"Ano naman kayang pangalan iyon? Bagay ba? Hayop? Pagkain? Tao? Tao na mahal mo? Yieeeee!"
Nakisabay na din ang iba sa hiyawan nila.
"Mukhang alam ko na kung sino." tango tango pa non ni Cheska. "Itong ito lang nahuli nating kasama niya kagabi eh."
With that, ay unti unting nanlaki mga mata ko. Nakita kaya nila kaming magkasama kagabi?
"Ako parang alam ko din." gatong ni Lexie.
"Ako mas alam ko." sa lahat sa kanilang nanggatong, pwera biro, dito kay Bea lang ako napareact ng bongga.
I mean, she knows ofcourse. Mas legit kasi may inamin na akong sikreto diyan.
"Oh sino?" panghahamon ni CK.
"Kung di kami nagkakamali..." Lexie lean closer to the table. "Si Kaye no?"
O____O -me
Oh yeah, I remember, sila nga lang pala ang alam nilang magkasama kagabi.