CHAPTER 44

724 20 10
                                    


Vicky's POV

2 hours later.

HINDI NIYA BINAWI!!!! OH MY GHAAAD! WHAT JUST HAPPENED?!

*dug dug dug*

"Hahatid na kita sa inyo." he said nang makapasok kaming dalawa sa kotse niya.

"S-sige." wala sa sarili kong sabi. Napatingin naman ito sakin na puno ng pagtataka.

"Okay kalang?"

Nanlalaki mata akong bumaling sa kanya. "Yeah. Ofcourse. I am. I'm okay. I do am." at unti unti akong umiwas sa kanya. I bit my lower lip.

"You're acting weird." umiling lang siya and then he started the engine.

Pagkarating namin sa bahay non ay hindi pa ako bumaba. I looked at him so he was surprise and confuse at the same time.

"Wala ka bang sasabihin?" hindi mo ba babawiin yung sinabi mo kanina? Amp, sarap sabihin sa kanya.

Nagkurap ito ng mata. "Wala. Ano ba dapat kong sabihin?"

Nalaglag ang balikat ko after I sigh.

"Wala." kasabay non ay bumaba na ako ng kotse niya.

As I was walking to our gate ay bigla akong tinawag nito kaya napalingon ako agad.

"I do have something to say pala." sabi na eh, babawiin niya yun.

"Send mo your insights para matapos ko na mamaya tong research natin."

Eh?

"And one last thing. Good night. Have a good sleep." then he smiled before he close his car's window.

Natulala pa ako non. Nang tuluyan na itong makaalis ay mabilis akong tumakbo papasok ng bahay namin.

I went to my room at agad nag lock ng pinto.

I looked at myself in the mirror at nakita ko ang pamumula ko. Sinampal-sampal ko ang sarili ko habang umiiling ako.

Umayos ka Vicky. Umayos ka.

You already agreed to help Kaye get close to CK, kaya umayos ka. Umayos ka wag kang pakatanga!

I sigh and jumped on my bed.

"CK naman kasi, umayos ka din. Magcooperate ka. Wag kang basta-basta titirada sakin ng mga ganyan. Tsaka diba dapat binabawi mo agad after mo sabihin? Ba't di mo binawi ngayon? Tss."

Nagpagulong gulong ako sa kama ko. Para na akong tangang kausap sarili ko. Bwesit kasi eh.

"Bwesit, bwesit, bwesit!" hinagis ko ang unan ko dahilan para tumama ito sa teddy bear na nakalagay sa divider ko.

Bumaba ako sa kama ko at pinulot ko iyon. I looked at it because it was the teddy bear CK got from playing at the perya nung pyesta.

Napanguso ako atsaka sinuntok suntok ko iyon. Pero kalaunan ay niyakap ko ito while swaying my body.

"Bakit ganun yung lalaking yun? He's so mean for always making me feel that he has a thing for me."

*pouts*

"Or am I just assuming too much? Err!"

Bigla naman nung bumukas ang pinto kaya nabigla ako.

Sumilip doon si ate at agad napatingin sa yakap yakap ko. Napabitaw naman akong agad.

"What's up with you?" taas kilay nitong tanong.

"N-nothing." I said habang nilalagay pabalik sa divider yung teddy bear.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon