Vicky's POV"Ma, madami ka bang kilala don? Baka mamaya wala ka namang kilala tas manginain tayo sa mga bahay bahay na di naman tayo invited ah." paniningkit ng mata ni ate.
Ngumiwi naman si mama. "Anong tingin niyo sakin, nababaliw para kumain sa bahay na di naman natin kakilala? Saka wag nga kayo masyadong mag-alala, madami akong mga kaibigan don."
Nagtinginan kami ni ate at nagkibit balikat nalang.
Today is sunday so we're going to attend the mass sa St. Matthew daw sabi ni mama. Pamilyar siya sa akin, dahil yun yung simbahan kung san kami nagpunta ni CK at nag interview para sa religious study na project namin. Pyesta daw kasi don ngayon eh. Alam niyo naman tuwing pyesta, di lang basta misa ang dinadayo, pati kainan. So yeah, mamimyesta nga kami kaya nga nag aayos na kami ngayon.
Pagkatapos naming makapagbihis at lahat ay umalis na kami para bumyahe na papuntang San Mateo (a/n: pangalan ng lugar na walang katotohan. XD) Alas 9 daw ang misa, at 7:50 pa lang naman. Makakaabot pa kami niyan, baka nga makauna pa kami kay father eh. Hihi.
It was 8:45 when we arrive exactly infront of St. Matthew church. Habang pababa kami sa kotse, ay nakikita namin ang nagsisipasukan nang mga tao sa loob.
"Mauna na kayong dalawa sa loob, at maghanap kayo ng mauupuan. Maghahanap lang ako ng parking space para ipark itong kotse."
Tumango lang kami ni ate saka pumasok na sa loob. Medyo madami na ding tao kaya naman naisip naming dito nalang sa likuran maupo. Para mas madali na din kay mama na hanapin kami. Saka minsan kasi sa simbahan, pag madaming tao at naglakad ka papunta sa unahan para doon maupo, mahihiya ka nalang sa mga titig nila. Yun bang parang ngayon kalang nila nakita kung makatitig sila sayo. XD
Di nagtagal, ay dumating na din si mama. Kaagad niya din kaming nakita, at tumabi ito kay ate.
"Don sana tayo sa unahan." bungad niya.
"Wag na ma, dito nalang tayo. Ang layo na nung unahan sa exit, mahihirapan tayo mamaya. Saka may electric fan dito oh, nakatutok pa satin." bwelta ni ate. Napangiwi naman si mama sa kanya habang ako ay natatawa.
"Dami mo namang sinabi." -mama
Tuluyan na ko natawa kaya siniko ako ni ate.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang misa dahil dumating na si father Peter. Siya yung kora paroko ng simbahan at siya ring personal kong na interview nung nagpunta kami dito.
After almost an hour and a half ay natapos din ang misa and they end it with a song. Hindi namin alam ang kantang to, kaya pumapalakpak lang kami. Pero masiglang kanta siya at base sa lyrics ay para ito sa santo nila at sa maligayang pyesta ng lugar.
"Bless you all!" sigaw ni father habang naglalakad ito sa aisle.
Yumuko naman kami ng bahagya para matanggap din ang blessings niya.
Lumabas na kami non, pero si mama ay kinausap muna si father. Kaya maghihintay nalang kami ni ate dito.
I just noticed, mahilig si mama makipag-usap sa mga pari after the mass. Pareho sila ni papa. Kahit nung nasa bohol pa kami, ganyan sila lagi. Feeling ko nga lahat ng mga pari sa simbahang sinisimbahan namin kilala niya.
"Nagugutom na ko." I said while pouting. Ate looked at me.
"Ako nga din." sabi din nito.
Nagtingin-tingin lang kami sa paligid, at madaming tao ngayon. Like usual fiestas. Mukhang ang iba sa kanila ay galing pa sa ibang lugar tulad namin.
"Ate, may idea ka ba kung sino mga kakilala ni mama dito?"
Napaisip bigla si Ate. "Ewan ko din. Pero siguro dati niyang mga kaklase. Remember, sa maynila din si mama nag aral ng college. Baka yung ibang mga kaklase niya non doon, dito nakatira." kibit balikat niya.