CHAPTER 8

585 21 5
                                    

Vicky's POV

"Ok. Another one. What common English verb becomes its own past tense by rearranging its letters? Here's the hint. It's a three letters word. Anwer." sabay titig sakin ni Kaye after niya basahin yung logic question sa phone niya.

Nabalik naman ako sa ulirat ko sabay napatingin din sa kanya.

"Ha?"

Napangiwi siya.

"Di mo nadinig?"

"Naku sorry. Lutang ako eh." sabay hagod ko ng batok. Ipinatong naman ni Kaye ang magkabila niyang braso sa mesa at tinitigan ako ng malapitan.

"What's bothering you?" she asked. Nanlaki mga mata ko.

"A-Ah. Wala. N-Naalala ko lang sudden quiz natin kanina." then I laughed awkwardly.

"Parang hindi naman eh." halatang di siya naniniwala.

Eh hindi nga naman talaga eh. Kasi ang totoo di naman ako na bothered sa quiz kasi easy lang siya, nabobother ako dahil di mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Yung sa field na nadinig ni Charles yung pag amin kong may gusto nga ko sa USG President namin, which so happened na kuya niya.

Alam niyo yung feeling? Yung feeling na---whaaaaaaa! I'm so doomed! I'M DOOMED! HUHUHU.

Bakit ba naman kasi out of all the students eh si Charles pa ang makakarinig non? Bakit?!

We both hold grudges towards one another so even though Charles and I didn't get to know each other for a long period of time, just all devilish face expressions, speaks his intentions. And basically, it's to harm me. Alam kong kadumihan ang tumatakbo sa isip non, kaya alam ko din na he'll surely use it against me.

Argh!

"Hey. Lutang ka nanaman." interrupt sakin ni Kaye. Napabuntong hininga nalang ako.

"Tara nalang sa next class natin para makauwi na ko." laglag balikat ko.

For sure, sa next class naming toh di nanaman ako makakapag-concentrate.

Kanina kasi, after 'kong umalis sa field at binalikan si Kaye sa lib, ay di na ko nakatulog which suppose to be our intention of going to the library. Nakasimangot lang ako the whole remaining hour, at di ako mapakali. Nang nagising si Kaye, I pretended na nauna lang akong magising sa kanya. Then we both go to our class after that.

During the class naman, yung pakiramdam na nakatitig lang ako sa prof namin, pero ni isa sa mga sinasabi niya sa harapan, ay walang pumasok sa utak ko. Pakiramdam ko, pumapasok lang siya sa tenga ko, pero iniihip ng hangin palabas kaya di nakakapasok sa utak ko.

Hayst. Naloka siguro ako syempre. Sino ba naman ang hindi? Ni hindi ko pa nga nasasabi kay Kaye na crush ko si Kuya Carlos, tas ang una pang makakaalam ay si Charles Kieferingina niyan, na mortal ko pang kaaway. Diba?! That doesn't make sense! Huhu.

"Di tayo aalis dito, hangga't di mo sinasabi sakin yung problema mo. Nabobother din ako eh."

I looked at her and gave her a smile.

"It's really nothing. Don't mind me."

She raise a brow.

"If it's nothing, does it make sense that you're bothered? Kasi kung wala lang yan, di ka naman magiging lutang ng ganyan."

I pouted.

"Unless ayaw mo lang sabihin sakin." sabay cross arms nito at ngumiwi pa. Halatang nagtatampo siya.

"Do you even consider me as your friend?" Napanguso ako sa natanong niya.

"Oo naman. Bakit mo naman natanong yan?"

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon