Vicky's POV
Pagkatapos namin kumain, ay nagsimula nanaman ulit kami maglakad. Ewan ko nga ba talaga kasi kung san ba talaga siya pupunta. Gugutumin uli ako sa kanya eh.
Nakabusangot lang ako habang nakasunod sa kanya, at pinapanood siya mula dito sa likod maglakad na parang baliw, walang patutunguhan. Hanggang sa maka tanggap ako ng text galing kay ate.
From: Ateng
Asan ka na?Hayst. Nakalimutan ko na tuloy may trabaho pa pala ako sa shop, lintik na yan. Ano ba naman kasi pumasok sa utak ko at sumunod-sunod ako sa kanya? Pft. Well, nakalibre kain pala ako. Hihi. Makauwi na nga lang.
Naglakad ako ng mabilis papunta sa kanya at hinila ang damit niya mula dito sa likuran. Tumigil naman ito saka nilingon ako ng nakataas ang kilay.
"Umuwi ka na." sabi ko dito. Lalo lang tumaas kilay niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
"Uuwi na ko, umuwi ka na." he looked confused. Humarap naman ito ng maayos sakin.
"Bakit naman ako uuwi kung uuwi ka?" napangiwi ako at talagang pinipigilan ko lang sarili ko na masampal ko ang sarili kong mukha.
Oo nga naman kasi. Bakit ko naman siya pauuwiin kung uuwi ako? I keep on saying that I felt guilty sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon, but isn't this too much naman? Masyado naman ata akong na-iinvolve sa kanya. Bahala na siya pag nalaman ng parents niya na tumakas siya. Heh!
"Bahala ka!" tangi ko nalang nasabi saka inirapan siya.
"UWI NA KO!" huli kong sigaw saka nagpara ng taxi.
Nagpahatid na ako sa shop, at as expected, pinagalitan ako ni ate dahil ilang oras na ko nawawala. Ang dami na pala kasing customer dito.
Di ko din kasi sinabi sa kanya mga pinaggagawa ko. Baka kung ano ano nanaman sabihin sakin niyan mamaya.
Nang medyo humupa na ang shop, means nag sialisan na ibang mga customer, ay tumulong na ko sa pag aayos ng tables at paglalagay ng mga bagong display.
"Psst. San ka ba talaga galing?" nakagat ko ibabang labi ko.
Sabi na nga ba magtatanong ulit yan eh. Alam ko naman kasing di siya satisfied sa naisagot ko.
"Ano na?" pagmamadali niya sakin.
"Basta." sagot ko nalang. Eh pano ko nga naman sasabihin sa kanya yun? Hindi niya maiintindihan kung bakit ko sinundan-sundan si Charles kanina. Baka bigyan pa niyan ng laman mga maririnig niya. Besides, hindi niya alam ang nangyari kaya hindi ko din pwede sabihin sa kanya.
"Basta-basta ka diyan. Kung sumbong kita kay mama? Pinadeliver kalang tapos bigla kang mawawala ng ilang oras. If only I knew, nag insist kang mag deliver non kasi may balak ka talaga. Tama ako noh?" nginiwian ko siya.
"Grabe ka naman sakin. Mukha ba kong sinungaling?" hindi ako mukhang sinungaling, dahil sinungaling talaga ako. Hahaba lang naman kasi ang usapan eh.
"Naku umayos-ayos ka Vicky ah? Pag talaga nalaman ko na may minimeet kang lalaki, lagot ka." di na niya ako pinagsalita, at bumalik na ito sa counter.
Naiwan naman akong dumbfounded. I was taken aback by that sudden assumption. Ang stupid naman non. Though lalaki naman talaga kasama ko. Pero hello, di ko siya mineet. We met by accident. Che!
We spent the whole day at the shop, then nagtext si mama na isara daw namin ng maaga para makauwi kami ng maaga. Kasi aalis na daw siya para umattend sa homecoming nila, kaya sa bahay nalang daw kami.