CHAPTER 32

427 19 1
                                    


Vicky's POV

Nasa school ako ngayon and in the middle of a class, but I can't seem to focus.

Napabuntong hininga ako at tuluyan nang sinubsob ang ulo ko sa desk ko. Nandito ako, pero yung utak ko lumilipad kasabay ng hangin. Shet, I really can't think straight right now.

Nakasubsob lang ang ulo ko hanggang sa matapos yung klase namin. Buti na nga lang di ako napansin ni miss at di niya ako napuna. Ano nalang idadahilan ko? Wala akong focus? Pft.

"Hey Vi..sigurado ka bang okay kalang?" lingon sakin ni Bea.

I just looked at her, at di ko manlang nagawang ngumiti. She's been asking me if I'm okay mula pa kanina. It's obvious, mukhang alam nila talaga kung ano yung nangyari.

I've been absent kasi for the past few days pagkatapos nang nangyari the last day. It's been a tough rough days for me, since first time ko din makawitness nang ganung insidente. Di ko na nga nasabi kanila mama at papa yung nangyari, lalo na kay ate. Kasi alam kong magsusumbong yun. Baka mag-alala lang sila.

"I'm fine." laglag balikat kong sagot.

"We know your not. But we think we shouldn't pressure you either. Mahirap yung nangyari, so it's okay kung ayaw mo sabihin." then Cheska tap my shoulder.

I gave her a smile, pero yung tipid.

"So you wanna come with us? Kain tayo sa caf para naman kahit papano maibsan yang bigat na nararamdaman mo." suggest ni Lexie. Isa din sa mga group of friend nina Bea and Cheska.

"Thank you, but wala akong gana kumain eh. Sa lib nalang ako, matutulog muna."

Nagtinginan sila saka napatingin sila sakin ng may lungkot. "Okay sige. Ingat ka."

Nagsilabasan na silang lahat, habang ako naman ay naiwan dito. Kung hindi pa pumasok yung mga students for the next class ay siguro doon na ako nakatulog.

So I am heading to the library now. If you guys are wondering kung bakit hindi ko kasama si Kaye ngayon, is because I have heard na nag audition siya for the cheerleading squad ng school. They are preparing for the inter school competition kasi for sports and cheerdancing. At ngayon yung official audition, kaya nandon pa siya sa dance studio I guess.

Pagkapasok ko sa library ay nagtungo ako sa 3rd floor para doon na matulog sa accountancy corner. I look for a seat, at pinilit kong makatulog. As in, pinilit ko talaga pero kahit pag tulog pinagkakait sakin.

Laglag balikat akong sumandal sa sandalan ng inuupuan ko habang nakanguso.

Kahit pagtulog pinagkakait sakin. Yung tipong pag pinipikit ko yung mga mata ko, bigla nalang magfa-flash yung nangyari. Di naman siya panaginip, pero siguro dahil sa trauma at sa pag-aalala.

Sinubsob ko nalang muli ang ulo ko sa mesa.

Sobrang bigat nang nararamdaman ko, tuwing naalala ko si CK. Wala naman sigurong masama pag sinabi kong nag-aalala ako sa kanya diba?

Mariin akong napapikit at nagbuntong hininga ako saka tumayo mula sa pagkakaupo.

I texted Bea kung pwedeng i-excuse niya muna ako sa mga classes namin. May pupuntahan lang ako.

Pagkalabas ko nang school, ay kaagad akong pumara nang taxi.

"San tayo hija?"

Napatitig pa ko non kuya.

"Ahm..sa Saint Agnes hospital po."


'SAINT AGNES HOSPITAL'


"Dito nalang po kuya."

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon