CHAPTER 34

445 21 9
                                    


Vicky's POV

Nasa cafeteria kami ngayong lima dahil wala kaming pasok sa first period namin. Ako, si Bea, Cheska, Lexie and Trina. Pero naging anim na kami ng dumating bigla si Kaye at sumabay na din samin.

"Wala kang practice?" pagtatanong ko habang umuupo ito. Buti nalang mahaba yung table na napili namin pagpwestuhan, yung pang tropahang lamesa. Yung kasya mga walo o baka sampu.

"Wala eh. Di daw muna kami magpapractice this morning para makapagpahinga kami. Mamayang hapon nalang daw." tumango-tango lang naman ako kaya ngumiti si Kaye.

Bale yung pwesto namin ngayon, ay nasa harap ko si Kaye, katabi ni Kaye si Cheska at ang katabi ni Bea si Trina. Habang ang katabi ko naman dito ay si Lexie at katabi ni Lexie si Bea. So ako ang nasa pinakadulo at may isang space pa na upuan dito pero sa harap ko naupo si Kaye para balance. May empty space din naman sa tabi niya tulad ng sakin.

"Naka order na kayo?" biglang tanong ni Kaye at doon kami nagtinginan.

"Putcha, nagsiupo tayo wala pa pala tayong order." bulalas ni Cheska kaya doon kami naghagalpakan ng tawa.

"Order na nga lang tayo." pang aaya ni Bea.

Nagsitayuan na din naman sila kaya tumayo na din ako.

"Vi.." napalingon ako kay Kaye with a smile.

"Bakit?"

"Pwedeng pasabay nalang ng order ko? Nahihilo kasi ako eh."

"O sige ba. Ako na bahala."

"Thank you Vi. Eto pera ko." kinuha ko naman iyon saka nginitian na siya.

"Usual order ba?" muli kong tanong.

Tumango lang ito ng nakangiti kaya nagtungo na ako sa counter para makaorder.

Bale si Kaye nalang mag-isa don sa table namin nagbabantay, kasi halos lahat kami tumayo para omorder. Baka nga talaga hindi sanay sa masyadong crowded si Kaye. Yun din kasi napansin ko nung first time na nagkasama kaming kumain dito sa cafeteria. Di siya nakatagal sa pila.

"Okay lang ba si Kaye?" lapit sakin bigla ni Lexie.

"I guess hindi. Nahihilo daw kasi siya, kaya nga ako omorder ng kakainin niya."

"Yeah I see. Kaya ko nga natanong kasi ikaw omorder." tinawanan ko naman siya saka siniko. Parang sira.

Pagkatapos namin omorder ay bumalik na kami sa mga seats namin. Binigay ko na din yung kay Kaye and she thanked me again.

Nagsisimula na kaming kumain non nang biglang may tumabi sakin at inakbayan pa ako.

"Hi Vicky~" may panunukso sa boses nito. At kahit pa nakatagilid ako, ay boses palang kilalang-kilala ko na kung sino.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kumakain ako, konsiderasyon naman diyan."

"Bakit? Di naman kita inaano ah."

"Yung kamay mo! Ang bigat sa balikat!" saka tinanggal ko pagkaka-akbay niya sakin.

"That's Vicky." sabay turo turo niya sakin kaya hinampas ko siya.

"Whoa~ CK!" -Cheska

O_____O

Napalingon ako at nakita kong nakatayo doon si CK. He waved at Cheska atsaka napatingin siya sakin. Then he...he smiled at me.

*dug dug dug*

Holy cow.

"Nakabalik ka na pala, welcome back." masayang bati ni Lexie sa kanya.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon