Vicky's POV
It has been a week since the incident happened. At halos mag-iisang linggo na din akong di nakakapasok sa school. Di kasi ako pinayagan nina mama at papa na pumasok kaagad matapos ko madischarge sa hospital. Pinuntahan lang nila school ko to excuse me at inexplain ang nangyari para maging valid ang excuse ko. Kaya taong bahay ako ngayon. Monday pa balik ko. Friday na din naman. Mabilis nalang yan.
Nasa sala lang ako at nanonood ng tv. Mag-isa lang ako ngayon dito, dahil may pasok si Ate. Maaga siyang umalis dahil may practice pa daw sila. Ang boring nga kasi wala naman ako magawa dito, ayaw pa din kasi ako palabasin nina mama at papa. Ahmp.
Tumayo na muna ako mula sa pagkakaupo sa sofa, at tumungo sa kusina para kumuha ng makakain. Pagkabalik ko sa sala ay nakita kong nagvavibrate ang phone ko. Nakasilent kasi siya.
Naupo muna ako sa sofa saka jnabot ko iyon at sinagot kagad nang hindi tinitingnan ang caller ID.
"Hello?"
[Vivi?]
Nanlaki mga mata ko. Holy.
"K-Kuya?" mula sa pagkakasandal ko ay bigla akong napa ayos ng upo. Yung expand na expand katawan ko.
Hindi si Kuya Carlos toh. Yung literal na Kuya ko. At potaaaaa! Si Kuya nga. 😨
[Wala ka bang balak sabihin sakin ang nangyari?]
Bumilis ang kabog ng dibdib ko. As in sobrang bilis. Huhu. Di ko pa kasi nasasabi kanila Ate at Kuya ang nangyari sakin. Wala din naman kasi ako balak sabihin dahil ayaw ko sila mag alala. Sinabi ko na din kina mama at papa, at kay Ate Violet na wag na banggitin sa kanila. Pero putcha, ba't alam ni Kuya?
"A-Ang alin po?"
[Vi...]
Napasinghap akong kagad. Pag ganyang tawagin ni Kuya pangalan ko, for sure seryoso yan. Halata naman, para kang timang Vicky!
"Kuya..sorry." agad kong sabi. Kagat kagat ko na ngayon ibabang labi ko at nakahawak pa ko sa dibdib ko.
[Kung di ko pa nadinig ang sinabi ni Tina kanina nung tumawag ako kay mama, di ko pa malalaman. At talagang nagkunchabahan pa kayo para di sabihin samin ng Ate mo ah?]
Napanguso ako.
"Sorry na Kuya~ ayoko lang kasi na nag-aalala kayo, kaya...binalak kong di nalang sabihin." nakayuko na ko ngayon. Yung parang nasa utak ko, ay nasa harapan ko lang si Kuya at nakatitig pa sakin.
Di ko naman balak magsinungaling eh.
[Vi. Mga nakakatanda mo kaming kapatid. Malamang mag-aalala talaga kami. Hindi mo naman pwedeng itago samin yan. Ano? Parang di lang tayo magkaano-ano?]
Lalo lang humaba nguso ko.
"Sorry na kuyaaaaaa~" nadinig ko naman siyang nagbuntong hininga mula sa kabilang linya.
Whaaaaaa!!! Kuya ko, wag ka magtampo sakin! Huhuhuhu!
"Kuya~"
[Kumain ka na ba?] pagputol nito.
Unti unti naman akong napangiti. Ehhhh. Di niya ko matiis eh. Enebeee!
"Opo."
[Asan ka ba ngayon?]
"Nasa bahay po. Di po kasi ako pinapasok nina mama at papa." nakanguso kong sabi.
[Ok nalang din yan. Para makapagpahinga ka at pang ground na din sayo at the same time.] nakanguso pa din ako at mas lalo pa humaba.