CHAPTER 40

472 17 12
                                    


Vicky's POV

Nandito ako ngayon sa shop namin at nakaupo dito sa counter. Wala pa namang omoorder kaya pumapatay ako ng oras ngayon.

*blag*

Napaigtat ako at napatingin kay ate.

"Wag kang mangalumbaba diyan, baka malasin tong shop natin." nginiwian ko lang siya saka umayos ako ng upo.

"Ano ba nangyayari sayo? What's with the long face?" she asked habang pumapasok dito sa counter.

Napanguso lang ako at pina-ikot ikot itong high stool na inuupuan ko.

"Wala."

Tumaas ang kilay niya. "Anong wala? Eh kulang nalang pasanin mo pati buwan diyan sa mukha mo." sabay irap niya.

Lalo lang humaba ang nguso ko. "Masama lang pakiramdam ko." then bumaba na ko mula sa high stool at kumuha ng tray.

Maglilinis nalang ako ng mesa.

"Ako na diyan Tina." napatingin si Tina sakin nang nagtataka, pero kaagad din niyang tinigil ang pagliligpit at ako na ang nagpatuloy.

"Masama pala pakiramdam mo, edi umuwi ka nalang." saka lumapit si ate sakin at hinawakan ang noo ko.

"Di ka naman mainit. Nahihilo ka ba?" tumigil ako sa pagpupunas at laglag balikat na naupo.

"Hindi."

Nakita ko naman ang pagngiwi ni ate sabay nagtinginan pa silang dalawa ni Tina. Magkatabi kasi sila ngayong nakatayo sa harap ko.

"Eh kung ganun anong ikinakasama ng pakiramdam mo?" patuloy na pang uusisa ni ate.

Hindi ako nakasagot kaagad at kalaunan ay napakibit balikat nalang ako.

"Ay..alam ko na ano ikinakasakit ng ulo niya." pareho kaming napatingin ni ate kay Tina.

"Pag ibig."

Agad nanlaki mga mata ko at si ate naman napatingin kaagad sakin. Tinitigan niya ko na para bang may gusto siyang makita.

"Tama..pag ibig nga."

Naningkit ang mata ko at tumayo nalang saka pinagpatuloy ang pagliligpit.

"Puro kayo hinala." I murmured.

"Anong hinila? Purong katotohanan yun. Masama pakiramdam mo pero di ka naman mainit, di din sumasakit ulo mo o di ka din nahihilo. Wala kalang talaga sa mood dahil broken hearted ka."

Tumigil akong muli saka hinarap si ate.

"Broken hearted agad? Hindi ba pwedeng school problems muna?"

She raised a brow. "Kilala kita. You might hate school but I never heard you complained nor feel heavy about it. Kaya magsinungaling ka sa sarili mo, pero sakin wag." then she tap my shoulders saka bumalik na sa counter.

*pout*

Napabuntong hininga nalang ako hanggang sa bigla nalang mag ring ang phone ko. I fish it out just to see that CK is calling.

I pouted.

Gusto niya lang ata ako pahirapan eh. Napakawrong timing niya naman. Tsk.

"Hello?" I answered.

[Asan ka?]

Nasa puso mo, tangina mo.

"Nasa shop, bakit?"

[I'm at the plasa. Puntahan mo ko.]

"So----ha? Anong ginagawa mo diyan?"

[Mag usap tayo.] at agad niyang binaba ang tawag.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon