CHAPTER 52

69 7 4
                                    


Vicky's POV

Bumalik ako sa table namin para doon na kumain at pagkadating ko doon ay wala na si Kaye. I look around para hanapin siya pero wala na siya.

"Sino hinahanap mo?" Napaigtat pa ako non sabay lingon kay Clinton na ngising ngisi pa sakin.

"Sira ulo ka." I hissed dahil sobrang nabigla talaga ako. "I'm looking for Kaye, nandito lang siya kanina, nakita mo ba siya?"

Ngumuso ito na tila ba nag-iisip. "Parang napansin ko siyang lumabas kanina. Nag cr siguro."

"Nag-cr? Eh may cr dito sa coli ah."

"Sarado. Sira kasi koneksyon nang tubig, kahapon pang announcement yun nakapaskil diyan." Sabay turo nito banda sa stage kung saan sa pagkakaalam ko ay ang direksyon nang CR.

"Kumain ka na muna, babalik din yun mamaya."

Muli akong tumingin sa daanan papuntang exit at ipinagpabilan nalang muna.

Nagsimula na kaming kumain habang patuloy pa ding tumutogtog ang malakas na music sa buong coli.

Nang matapos kumain ang iba, ay nagsayawan muna sila. Halos mag-iisang oras na din ang lumipas pero di pa din nakakabalik si Kaye.

"Looking for Kaye?"

Lumingon ako just to see Bea giving me a meaningful look. I sigh at uminom sa fruit punch ko.

"Kanina pa siya wala. Baka nagkita na sila at ngayon ay ineenjoy na ang oras nang aminan nila. O baka naman hindi pa din nakikita ni Kaye si CK."

Nakatingin lang ako sa harap na para bang hindi pinapakinggan ang sinasabi ni Bea.

"You still have a chance to stop her." Don na ko napatingin sa kanya. I gave her a smile.

"Silly." I said sabay muling uminom sa fruit punch ko. "I will never do that. Ang feelings ko mawawala lang toh, and that's okay. But if I'll choose this feeling over a friend, and I will lose her over it, yun ang hindi okay." with fainted smile, I stated.

"You know what Vi? You were the most stupidest person I have ever met."

Di na ko mabibigla.

"Do you honestly think Kaye is thinking the same way?"

Natigilan ako, puno nang pagtataka akong muling napatingin sa kanya.

"There is something about fresh friendship you still didn't know. You might be loyal but the other one might be stabbing your back right now. Alam kong alam din ni Kaye na gusto mo si CK, cause there is no way she'll never know that."

"I don't think so."

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Bea.

"Sana nga lang talaga mali ang hinala ko."

Kahit naman alam ni Kaye, dahil nauna siyang umamin sakin na may gusto siya kay CK, kumbaga sa pila, siya pa rin ang priority.

Dumaan ang ilan pang minuto, at may 15 minutes nalang daw before magstart ang mga games, heto naman ako at parang kinabahan bigla kaya sumakit tyan ko.

Parang gusto kong umihi na tumae na di ko alam.

Napahawak ako sa tyan ko habang hinahanap si Bea. Magpapasama lang ako sa kanyang mag CR. Kasi nga diba sabi ni Clinton sarado dyan? Edi sa labas talaga kami dapat mag cr.

Nasa dance floor silang lahat, at nang magpunta ako doon ay nasa gilid lang si Bea nagvivideo dahil---oh shock, tintwerkan nung girl si Red na kung di ako nagkakamali ay Penelope ang pangalan, yung kasa-kasama niya kanina lang.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon