Vicky's POV"Ha? Halabyo?"
O/////O
Kaagad ko siyang hinampas at inilayo ko mukha niya sakin.
"Ha? Habnoy ka." sabay iwas ko.
"Sus, namula ka nga." I glared at him pero tinaasan baba niya lang ako ng kilay.
Naningkit ang mata ko. "Kailan ka ba titino?" nakataas kilay kong sabi dito.
"Titino ako kung kailan ko gusto. Pero mas mabilis akong titino kapag ikaw sakin nagkagusto."
Napangiwi ako sabay atras ng ulo ko.
"Well in that case, tingin ko di ka na titino. Kasi di mangyayari yun." kasi nga, kayo dapat ni Kaye hindi tayo.
"Sure ka? Siguraduhin mo yan ah, baka pagsisihan mo."
"Asa ka pa." sabay irap ko sa kanya. "Baba na nga tayo, nahihilo na ko." reklamo ko.
"Ikaw nag aaya dito, ikaw naman susuko. Parang ugali niyong mga babae. Magririsk sa taong di sigurado, at pag pinaikot-ikot kayo, kayo kayo lang din naman aayaw." napatingin ako sa kanya non.
May pinanghuhugutan talaga siya eh.
"Una sa lahat, bakit kasi kailangan niyo kami paikot-ikutin?" sabay irap ko sa kanya at agad nang sinabi kay kuya na nagbabantay na bababa na kami.
Muli kaming naglakad-lakad nang makaalis kami sa ferris wheel. Nang madaanan namin yung ilan sa mga palaboy na kinakantahan ni CK kanina, ay bigla kong naalala yung mga sinabi nila at yung mga nadinig kong usapan nung tatlong mga babae tungkol sa kanya.
"CK..." sabay tingin ko sa kanya. He also looked at me. "Pano mo nga pala nakilala yung mga bata at pano kayo naging ganun ka close? Madalas ka ba dito?"
"Madalas ako dito dati. At kapag nagpupunta ako dito lagi nila akong nilalapitan para manghingi ng pera o di kaya pagkain. Kaya tuwing bumabalik ako nagdadala na ko ng pwedeng ibigay sa kanila."
"Mag-isa kalang na nagpupunta dito?" natigilan siya.
"Minsan oo, pero madalas may kasama ako."
"Sino?"
Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya. Ayan nanaman siya, may masasabi nanaman yan for sure.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" oh see?
"Curious lang." irap ko sa kanya. "Hindi kasi kapani-paniwalang maging ganun ka kalapit sa mga bata knowing na masama ugali mo."
Pagtingin ko sa kanya ay nakangiwi na ito at naniningkit pa mga mata niya.
"So all this time yun pala tingin mo sakin." patango-tango nito.
"Hindi ko naman sinasabing ganun, pero parang ganun na nga." sabay ngisi ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pag irap nito.
"Di mo naman ako masisisi no. Lagi mo kong pinagtitripan, tapos pakiramdam ko kapag may problema ka at nakikita mo ko, sakin mo binubunton. Irap ka pa ng irap na parang bakla--"
"Anong bakla? Hindi ako bakla ah."
"Parang lang diba?" sabi ko nang naniningkit mata pa. "Yan--isa pa yan. Masyadong mainitin ang ulo mo, ang iksi ng pasensya mo tapos lagi pa nakakunot noo mo o di kaya, poker face ka naman na para bang wala ka nang emosyon. Ano gusto mo isipin ko, mabait ka?"
"Ikaw naman may kasalanan ba't ako nagkakaganyan eh."
Nagtagpo ang mga kilay ko. At talagang ako pa sinisisi?
