Vicky's POVMabilis na nakatapos si CK kanina kaya di ko siya naabutan, sayang. Tss.
Palabas na ko ngayon ng classroom, kasi katatapos ko lang. Si Kaye nasa loob, kaya sinenyasan ko siya na mauuna nalang ako. May ite-take po kasi akong isang subject after nitong tinake ko. Isa yun sa mga irregular subject ko and hindi kami magkaklase ni Kaye kaya mauuna na muna ako don.
Pagkadating ko sa harap ng classroom ay naghanap muna ako ng mauupuan banda sa college park, kaharap lang kasi ng room. Meron pa kasing remaining time bago magsimula tong next exam ko.
Habang naghahanap ako ng mauupuan ay may nakita akong pwesto na di ganun kainit, pero may nakaupo. Mag-isa lang naman siya, and the circled table had three chairs. Kaya lumapit ako para makita kung sino yung nakaupo and makapagpaalam if I could sit.
Nang malapit na ko ay doon ko na nakita yung girl na nakaupo don kasi bigla itong lumingon and yung mukha niya naka face sa direksyon ko ngayon. And the girl is Trina by the way.
Bumagal ang lakad ko and I'm having second thoughts kung uupo pa ba ako doon or wag nalang. Pero dahil patuloy akong naglalakad kahit mabagal lang ay paunti-unti na kong nakakalapit sa table sakto namang lumingon itong muli at nang mapansin niya ko ay napatingin siya sakin. So I smiled at her and wave a bit. She also smiled, pero tipid.
Dahil nakita na din niya ako ay naglakas loob nalang akong lumapit sa kanya.
"Hi Trina." I greeted. So she looked at me and responded 'hi' din sakin.
"C-can I sit?" napatingin siyang muli. But I can see that she's thinking.
"Yeah. Sure." sagot nito at last. Napalunok pa ako non knowing na pinag-isipan niya yung sinabi niya. But then again, nginitian ko siya.
"Thank you." I muttered habang umuupo.
Tumango lang ito saka muli nanamang bumalik sa ginagawa niya. Nilabas ko nalang din reviewer ko para magbasa-basa habang muli't muling napapatingin sa kanya. Di ko kasi maiwasan. I don't know. I just feel intimidated around her. Pakiramdam ko kasi her gazes, her looks towards me and actions when I'm around is kind of suspicious and parang may meaning. I'm not sure, baka assuming lang ako.
I shake off thoughts in my head and tried to concentrate but before I knew it, I lost it already. My concentration left my brain. Geez.
Muli akong napatingin kay Trina and nabigla ako ng mahuli ko itong nakatingin sakin. Umiwas din siya agad just like before. Yung kapag napapatingin ako sa kanya agad agad siyang nag-iiwas. Mukhang di na assume toh ah? I think she has something with me talaga.
"M-may kailangan ka ba?" lakas loob kong tanong dito.
I really bet tatahimik lang kami talaga ng di ko nalalaman kung bakit siya nakatingin kung hindi ako ang unang magtetake ng step. Cause I can also see that she seems fall back. Para siyang tahimik na tao, yung kapag di ka nag start ng convo, di siya magsasalita.
Di ito makatingin straigth in my eyes hanggang sa mapakamot siya ng ulo.
"T-tinitingnan ko lang notes mo. Mukha kasing parehas tayo, hihiram sana ako." napatingin din naman ako sa notes ko and bumaling sa kanya.
"Ganun ba? Sure..here, you can have it." inabot ko iyon sa kanya. She looked at it and looked at me after that.
"T-thank you." sabi nito habang kinukuha sakin yung notes na medyo nahihiya pa.
She scanned it and take photos. Saka binalik din naman sakin with another thank you from her.
"Itetake mo rin ba subject na toh mga ganitong oras?" I asked.