Charles' POV
Pagkatapos namin gawin ang infographic namin, ay pinahatid ko na sila pauwi sakay uli don sa van na pinadala ko din kanina para sunduin sila.
Gabi na din kasi ng natapos kami, at wala masyadong pumapasok na mga taxi dito sa subdivision kaya mahihirapan sila makasakay. Dapat may transaction yung mga driver para makapasok sila dito, hindi kasi sila pwede romonda.
I am currently playing games on my phone nga pala. Halos kanina pa simula nung makauwi groupmates ko. Super boring eh. Kaya nga di ako masyado nagsestay dito sa bahay. Cause for me, this house is the most boring place I really don't want to stay in. Pero ngayon, mukhang di na ko makakaalis cause mom and dad are home.
*BLAG*
Napatingin ako agad to see where did it came from.
"Dinner time!!" sigawan nito at nagtatalon pa siya.
"Sige. Mauna na kayo."
"Eh?" napatingin ako sa kanya at nakakunot na noo nito.
"Minsan lang sumabay satin sina mommy and daddy. So I think we should eat together." I looked at her and she's now giving me her best selling paawa look. Well, my sister is so good at that. But right now, I won't buy it. *laughs*
Nagbuntong hininga ako at pinause sandali yung game.
"I'm not hungry." walang gana kong tugon dito.
Ngumuso siya.
"But it's dinner time! Kuya dali na, let's eat together!" tumakbo ito at umakyat sa kama ko.
Lumapit siya sakin while still pouting.
"Kuya pleeeeeeease. Let's eat." tapos niyugyog niya pa yung kama.
"Kitty, stop that. I said I'm not hungry."
Nangunot ang noo niya at nag cross arms ito.
"You're being suplado nanaman. Ang moody moody mo. Di ka naman ganyan sakin dati ah? What happened to you ba kuya?" mangiyak ngiyak na ito.
I suddenly smirk thinking of pissing her.
"Di na kasi tayo close. Mas close ka na kay kuya keysa sakin." pabulong na panunukso ko dito.
Lalo lang humaba nguso niya at gusto ko matawa. But in character ako ngayon, so no.
"Close naman tayo ah?" bwelta nito. Shet. I wanna laugh my ass off.
"Noon yun. Di na ngayon. Kasi di na tayo lagi magkasama." tas binelatan ko pa siya.
"Kasalanan mo naman eh! Di mo na 'ko sinusundo sa school, si Kuya na ngayon. Kaya lagi kami magkasama."
Shet. Natatawa na talaga ako cause of how she defends herself. Ang kyut kasi.
"hmpf. Ang sabihin mo, mas favorite mo na si Kuya ngayon keysa sakin." tas umirap-irap pa ko.
"Ha? Eh parehas ko naman na kayo na favorite ah. Kasi parehas ko naman kayo na kuya. I'm not being unfair!"
Defensive siya. Mukhang paglaki nito, mahihirapan magiging boyfriend niya sa kanya. Ma-rason eh.
"Ewan ko sayo."
"Hmm...ikaw pa magtatampo? Ako nga dapat nagtatampo sayo eh!" nagpamaywang na ito na parang matanda at tinuro-turo pa ko na ikinalaki ng mata ko.
"Di ka na tumatawag sakin! Di mo na chicheck kung safe ba 'ko nakakapunta sa school! Di mo na rin ako tinetext para tanungin kung nag recess na ba 'ko o nagrerecess ako ng maayos! Tapos! Di mo na rin ako ina-update kung ano ginagawa mo sa school niyo! May tinatago ka ba sakin kuya?! Ha?!" bigla nalang nito hinawakan ang magkabilang pisngi ko at mataman akong tinitigan.