Vicky's POVDi ko na nagawa pang sumabay kina Cheska. Sinabi ko nalang na masama pakiramdam ko kaya matutulog muna ako sa library.
Nandito ako ngayon nakaupo sa sahig at nagmumukmok sa gilid. Punuan na kasi yung mga tables kaya dito ko nalang naisip maupo. Actually kanina pa ako dito. 1:30 pm pa mamaya yung afternoon attendance at 9:45 palang. Anong gagawin ko dito?
Napanguso naman ako nang bigla kong maalala yung mga nasaksihan ko kanina. All this time? May gusto pala si Kaye kay CK?
Wait. Hindi pa naman ako sure eh. Baka inutusan lang siya or what---pero heller, cookies nila yun. Luto ng mama niya yun ibig sabihin galing talaga sa kanya.
Mariin akong napapikit at sinubsob ko ang ulo ko sa pagitan ng dalawa kong binti na yakap-yakap ko ngayon.
Why am I actually thinking too deep about the fact that Kaye likes CK? If ever it's true, what do I care anyway? If Kaye likes CK, then I should be supportive, because we're friends. But why the hell am I bothered?
Agad akong napangaat ng tingin.
"Hey, I am bothered?" sabay ngiwi ko. Agad akong napailing to shake off thoughts out of my head.
Hindi ako bothered at mas lalong di ako pwedeng ma bothered. Hindi naman kami, so snap out Vicky.
Pero mas lalo lang nalaglag ang balikat ko dahil sa thought na...kung posible nga namang may gusto si Kaye kay CK, edi...dalawa na kami? At magkaibigan pa kami.
I bit my lower lip.
Nakita ko kanina ang tuwa sa mukha ni Kaye. Napapasaya siya ng thought na gusto niya si CK. Like she's really happy about liking him and I can't destroy that. We're friends. At as far as I know, friends should be understanding and also one who could bare should sacrifice in order for the other one to be happy. And I guess I'm talking about myself.
*sigh*
I shouldn't like CK then..
-_-
MGA ILANG MINUTO ANG LUMIPAS nang medyo kumunti na ang tao sa accountancy corner doon ako nagkachance makaupo sa isang table at matulog. Hanggang sa magising akong 12 na. Kaya inantay ko nalang mag 1:30 at kaagad na nagtungo sa DO para sa afternoon attendance.
After that, I immediately went out of the university para makauwi na.
While walking ay bigla nalang nag ring ang phone ko and it's a call from Cheska. I picked it up.
"Hello?"
[Huy asan ka? Nasa lib ka pa din ba?]
"Wala na. Nagpacheck na ko ng attendance at pauwi na ko ngayon."
[Ha? Uuwi ka na? Eto naman, isasama ka nga sana namin sa booth natin eh. Papasok sana kami don. Bakit ka ba uuwi na, ang aga pa eh.]
Napangiwi ako. "Masama pakiramdam ko." matamlay kong sagot dito.
[Masakit ba ulo mo?]
Hayst. Hindi ko nga alam kung masakit ba talaga ulo ko o sadyang may bumabagabag lang sakin kaya nasasabi kong masama pakiramdam ko? Pft.
"Oo eh. Saka inaantok din ako, kaya matutulog nalang muna ako sa bahay."
[Ganun ba? Sayang. Di sige, pahinga ka na muna saka pagaling ka. Bukas nalang kami papasok para kasama ka.]
I smiled. "Sige."
[Bye. Ingat sa pag uwi.]
"Bye."