CHAPTER 23

396 22 2
                                    


Vicky's POV

Tuesday na and may pasok nanaman ulit. Yesterday is monday, rest day kahapon pa-reward lang nila sa pagtatapos ng midterms. Yung tungkol naman sa malaking deal na tinanggap ni mama, pinaghahandaan na namin yun. Sa friday na yun, at bonggang bongga party daw kaya kailangan galingan din namin.

Nasa school na ako ngayon, at hinihintay ko si Kaye dito sa college park para sabay na kami pumasok sa klase namin.

I am currently on my phone at ineenjoy ang binabasa kong thread sa twitter. Nang bigla nalang may dumating na nagtawag ng atensyon ko.

"Hi Vicky." she said while smirking at me.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano nanaman?" naiirita kong tanong dito. She slightly laugh at hinawi ang buhok niya.

"You're being rude ah. I was just greeting you, isn't a hi back a good response?"

Pfft. Pakulo.

"Just get straight to your point Brena. Hindi ka lalapit sakin kung wala kang kailangan kaya wag ka na magpaliguy-liguy pa."

Tumayo naman ito ng maayos at saka namaywang with her resting bitch face.

"I just wanna tell you to stop sticking around with CK." doon ko nakita ang panggagaliiti niya dahil sa nag-iigting niyang panga.

Galit na galit?

"I'm not sticking around with CK." nakakunot ko namang depensa.

Natawa ito with a smirk on her face. "But he's sticking around you." bwelta niya na medyo ikinabigla ko.

"Pano mo naman nasabi yan?"

"Come on, wag ka na magmaang-maangan. Alam mong laging sumasama si CK sayo kaya kampante kang sabihin na you're not sticking around him." doon na mas lalong nangunot ang noo ko. Ano ba kasi pinagsasabi ng isang toh?

"Nasira ang date namin ng dahil sayo. Kaya kung ayaw mo nang gulo, mesa siya man ang laging dumidikit sayo, stay away from him. You're ruining our relationship." then she rolled her eyes for the last time saka umalis na.

Sumunod naman ang tingin ko sa kanya na puno pa din ng pagtataka. First of all, wala naman silang relasyon para sabihin niyang sinisira ko yun and secondly anong sinira ko ang date nila? Saan? Kailan? Bakit? Ano?! Pft. Ano ba nakain ng babaeng yun at kung ano ano pinagsasabi?

"Hey." napalingon ako at doon nakita ko si Kaye na nakangiti sakin. Kaya naman nginitian ko nalang din ito.

"Kanina ka pa?" she ask habang nilalagay sa mesa mga gamit niya at umuupo sa tabi ko.

"Medyo." tipid kong sagot na ikinataka nito.

"May problema ka ba?" I looked at her at doon ako napaisip.

"W-wala." tangi ko lang sagot sabay iwas sa kanya.

"Sigurado ka? You seemed bothered." I bit my lower lip atsaka nagbuntong hininga.

"I'm fine." at binigyan ko siya ng ngiti for assurance.

Napanguso naman ito at nakatitig pa din naman sakin. Mukhang di talaga siya naniniwala and she's not buying my alibis.

"I-ikaw? Ba't pala ngayon kalang?" napangiwi naman siya dahil mukhang alam niya talagang nag change topic ako.

"Traffic." tangi niya lang sagot. "Lagi naman, wala nang bago."

"Sino naghatid sayo?"

"Nagtaxi lang ako. May work na kasi si mommy."

"Ah." sabay tango tango ko.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon