Vicky's POVAfter my long day in school, ay diretso uwi na ko. Medyo madami quizzes namin ngayong araw kaya pakiramdam ko exhausted nanaman ako. Hayst. Nakakapagod na sa katawan, pati pa sa utak.
Umakyat na ko sa kwarto ko at nagbihis na muna. Saka bumaba na din ako at tumungo sa kusina para makahanap ng makakain. Tapos tumungo ako sa sala. Balak ko sana manood ng tv kaso nakaramdam na din ako ng pagkabagot.
Di pa ko nakakapanood, nabagot na ko. Tss. Matutulog nalang muna ako.
Habang umaakyat ako para tumungo sa kwarto ko ay nasalubong ko naman si ate na nagmamadaling nilock ang kwarto niya. Napanguso ako.
Nandito pala siya? Ba't di ko siya na pansin?
"Ate." tawag ko dito. Lumingon naman siya sakin.
"Kanina ka pa?" I ask.
"Oo. Pero aalis muna ako. May gagawin pa kasi kami." sabay ngiti niya. At nagmamadali na itong bumaba.
"Kumain ka mamaya ah? May niluto ako don." sabay turo niya sa kusina habang bumababa.
"I-ingat!" I shouted habang pinapanood itong lumabas ng bahay.
Napangiwi nalang ako.
I just feel something change. Madalas kasi pag umuuwi ako lagi naman nandito yan. Di nga lumalabas kahit pa may project sila ipagpapabukas niya nalang kasi tinatamad na yan. Pero ngayon, minsan ko nalang siya nakikita sa bahay. Kita niyo nga, ni hindi ko alam na bukod sakin ay may tao pa pala dito. Hayst. Sana okay lang siya. Sana walang kung anong nangyayari sa kanya.
Napailing nalang ako sabay pasok sa kwarto ko.
KINABUKASAN ay maaga ako pumunta sa school dahil sa pinakahihintay naming long quiz. Mag rereview lang ako sa lib.
Wala nang katapusang quiz, yung feeling na kung saan pa malapit ang exam don pa sila magbibigay ng quizzes. Pang review daw? Asus. Pwede namang mag review na review lang ah. Mas maganda nga yun. Keysa naman sa ipapaquiz kami tapos pagdating ng exam pagod na utak namin. -_-
Since we will be taking the quiz exactly 8:30 ay nagligpit na ko ng gamit dahil 8:25 na. I have 5 minutes left para magtungo sa classroom namin.
Pagkalabas ko ng library ay diretso na ko sa room ko. Pagdating ko don, ay nakita ko din agad si Kaye sa usual seat namin kaya nilapitan ko siya.
Nagrereview pa ito kaya kahit nasa tabi na niya 'ko ay di pa din niya ko napapansin.
"Focus na focus." bigla itong napatingin sakin at umakto itong iiyak. "Pagod na utak ko." nakanguso nitong.
"Aigoo~" Naupo ako sa tabi niya habang hinihimas himas ang ulo niya. "Okay lang yan. Matatapos na din toh ngayong araw." sabay wink ko dito.
Nakanguso pa din naman siya kaya di ko na napigilan ang sarili ko. I squeeze her cheeks because it looks fluffy and she looks super cute.
"Magtulungan nalang tayo." nakangiti kong sabi dito habang nilalabas ang notes ko. Magrereview muna ako saglit habang wala pa si miss.
After a couple of minutes, ay dumating na din ito.
"Sorry I'm super late." pagpapaumanhin nito na medyo hinihingal pa. Halata din kasing nagmadali siya.
Nagsimula na kami sa quiz namin. 1 hour and a half lang ang time namin kay miss kaya for sure ay mako-consume namin yun. Kasi pag sinabing long quiz, literal talagang long ang sa kanya. More than 50 items. Well, di naman critical thinking skill or analyzing skill ang kailangan kaya di na din masyado mahirap. Memorization kasi siya. Kasi kung analyzing or critical thinking, sobra sa 1 and a half na oras ang kailangan namin.