CHAPTER 53

179 7 12
                                    


Vicky's POV

Medyo matagal din bago nag sink in sa akin ang mga sinabi ni CK. Kaya noong nabalik ako sa ulirat ko ay umalis na ito.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad pabalik sa coli ng wala sa huwisyo.

I didn't expect of him to confess to me. I mean...I didn't even imagine he likes me.

Napatingin ako sa harapan at nakita kong may papalapit dito sa gawi ko. Bumilis din ang lakad ko thinking it was CK. I need to talk to him.

Nang palapit na ng palapit ito sakin ay bumagal naman ang lakad ko ng mapagtanto na ibang tao ito.

It was some random guy na lumiko sa kabilang daanan.

"Vi!"

Lumingon ako and Bea's running towards me.

"Where have you been? I've been looking for you everywhere." hingal na sabi nito pagkalapit niya sakin.

Tumingin ako sa kanya. Halata naman dito ang pagtataka dahil hindi ako nagsasalita, talagang nakatingin lang ako sa kanya.

"Okay kalang ba?"

"Y-yeah." coming back to my senses, I answered.

"Ba't parang wala ka ata sa sarili? San ka ba kasi galing?"

I am currently fighting the urge to tell Bea about what I heard and knew.

"I-I was actually looking for you." balik ko dito.

"You were?"

Tumango lang ako bilang pagsagot.

Napakamot naman ito sa ulo niya. "Naku sorry, tumawag kasi si mommy. Naghanap ako ng signal at di na ko nakapagpaalam kasi akala ko makakahanap ako agad at mabilis lang tawag ni mommy." paliwanag niya ng nakanguso pa, na para bang sorry na sorry talaga ito.

Nginitian ko lang siya. "Okay lang. Okay lang naman ako eh."

"Sure ka?"

"Yep." pagkatapos ay tumango ako ng nakangiti, pero yung fainted. Buti nalang di napansin ni Bea dahil for sure magtatanong talaga yan.

Bumalik na kaming dalawa sa coli at after few minutes ay nagsimula na mga games nila.

Di ako nakasali at di din naman ako nakapanood dahil di naman ako maka focus.

Di ko na din nakita pa si Kaye dito and when I asked them where she's at ang sabi nila ay nagpaalam daw itong uuwi na, they stopped her and asked her why but she just said something came up.

But I know what it is. And I felt so horrible right now.

Magkabilang balikat ko ay parehong may pasan-pasan sa parehong pagkakataon.

Kaye was rejected because CK likes me and CK likes me.

Marahan akong napapikit.

Hindi ko akalain na mangyayari to sa buhay ko. Ano nalang iisipin ni Kaye pag nalaman niya na ako ang rason kung bakit siya ni-reject ni CK?

I don't know what to do now.

"Vi."

Agad akong napaangat ng tingin at ngayon ay nasa harapan ko na si Bea.

"Anong ginagawa mo dito? Tara don, masaya laro nila."

"Di, okay na ko dito. Medyo inaantok na din kasi ako."

Napangiwi ito. "Ha? Eh kakasimula palang ng program antok kana?"

Pagkatapos ay bigla itong lumapit sakin ng bahagya at iginilid ang ulo niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon