CHAPTER 22

523 19 5
                                    


Vicky's POV

"Boyfriend niya 'ko! Bakit?!"

My jaw literally dropped upon hearing it from him. Anong pumasok sa utak niya at sinabi niya yun?

Pagkatingin ko naman dito sa lalaki ay nakangisi na ito.

"Eh ano naman?" maangas nitong sabi.

"Wala ka naman palang pakialam kung kaano-ano niya 'ko, nagtanong ka pa." sagot naman nitong isa.

Napapapikit nalang talaga ako. Lalo pa't napapansin kong may iilang customers na ang lumalabas ng shop. Ang iba naman nanonood lang but they really looked uncomfortable and some are terrified. They may be thinking na baka anytime soon magkakarambulan na dito. *face palm*

"Alam mo ikaw, pinapainit mo ulo ko. Wag mo ko susubukan ah, baka gusto mo testingan kita."

Pagtingin ko sa lalaki, nakikita ko na ang sobrang galit sa mukha nito. Nanggagalaiti na talaga siya. Nag-iigting na din mga panga niya plus pang nakakuyom na mga kamay niya. Handang-handa na talaga siya makipag-away.

Pagbaling ko naman kay CK, I saw him smirk. Like the hell is this guy, parang gusto din ata makipag-away.

"Try me...loser."

O_____O

Agad-agad akong pumagitna at lumapit kay CK.

"Anong ginagawa mo?" bulong ko dito habang tinutulak siya palayo.

"Stay out of it. Tumabi ka diyan." he swipe me off hanggang sa likuran niya at muling bumaling doon sa lalaki.

Nakagat ko na ibabang labi ko at paulit-ulit nalang akong napapapikit. Talaga bang mag-aaway sila?

"Aba. Mukhang matapang toh ah." tatawa-tawa pang sabi nung lalaki habang tinuturo-turo si CK. Tapos tingin-tingin siya sa mga kasama niyang nasa likuran niyang tatawa tawa din.

Pagtingin nito kay CK nanlilisik na mga mata niya and my eyes widened. He's super ready to strike a punch not until the guy from his side suddenly stood up at agad umawat.

"Magsitigil nga kayo!" agad nitong sigaw.

Kanina ko pa nga din nakikita yang si kuya na nagtitimpi diyan sa gilid. Gusto na niya talaga makisali pero nagpipigil lang siya.

"Ano ba!" sigaw din naman nung hambog na lalaki sabay tapi ng kamay ni kuya na nakaharang sa kanya.

Nanggigitgit naman yung si kuya na hinarap yung lalaki sabay tinulak ito.

"Bastos ka ah! Wag mo ko sinisigawan sa tenga ko, may highblood ako! Pag ako nabigla susuntukin kita sa puson!" panduduro sa kanya ni kuya. Atras atras naman yung lalaki.

"Tignan niyo nga mga sarili niyo. Kayo ba talagang mga estudyante eh nag aaral ng maayos? O ito lang ginagawa niyo? Ang magkalat dito at manloko ng ibang tao?!"

The guy gritted his teeth.

"Pwede ba! Wag mo kami pakialaman! Mind your fvcking business!"

"Ah ganun? Eh kung sabihin ko sayong..." sabay may nilabas si kuya mula sa bulsa niya sa likod atsaka pinakita don sa lalaki.

"..pulis ako."

Lahat nang mata namin nanlaki. Lalong lalo na mata nung lalaking kaharap ni kuya na pulis pala.

"Ngayon..sabihin mo sakin yang mga pinagsasabi mo sa presento." agad niya hinila yung lalaki. Sinubukan pa sana nito magpiglas pero di na agad siya nakawala.

Nanginig naman yung mga kasama niya. Yung dalawa sa kanila agad nagsitakbuhan palabas ng shop.

"Huy!!! Mga tarantado kayo!!!" sigaw nung lalaki habang pinapanood niyang tumakbo yung dalawa niyang kasama.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon