Vicky's POV
Pauwi na ko ngayon at tulad ng sinabi ni Kuya Carlos, ay inihatid niya ko samin. I just lead him the way to our house.
"Vicky.."
Nanlaki mga mata ko at palihim akong napahawak sa dibdib ko. Amputcha, ba't ba kasi panay kabog. Magtigil ka, kundi huhugutin kita.
Kasi naman. Ba't kailangan ako tawagin ng ganyan?
"Ok kalang ba talaga? Di ka ba napano?"
"Ah. O-oo. Ok lang talaga ako." sabay ngiti ko pa.
"Wag mo na ulit gawin yun sa susunod." ilang beses akong nagkurap ng mata at dahan-dahang bumaling sa kanya.
Nakatitig lang ako ngayon sa kanya habang nagmamaneho siya. Bakit ang gwapo niya sa lahat ng ginagawa niya?--ay peste! Chee! Magtigil ka Niana! (actually si niana ang malandi sa pagkatao ko -_-)
"Yung sandal mo, sakali mang sagasaan ng kotse, walang mangyayari don. Pero ikaw, isa lang buhay mo. Be more cautious next time."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil matapos niyang sabihin yun ay nilingon ako nito. Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko kaya naman ay napahawak ako dito.
"shet." I whispered.
"May sinasabi ka ba?"
"Ha?" sabay tingin ko sa kanya. Nagtagpo mga tingin namin kaya agad din ako nag-iwas.
"Are you sick?" he suddenly ask. Napanguso naman ako.
"Hindi. B-Bakit?"
"Namumula ka." sagot naman nito na nagpalaki sa mga mata ko.
Hala moooo!
"Are you sure you're not sick?" muli niyang tanong.
"A-Ah----nandito na tayo." sabay turo ko sa gate namin. Kasi totoo naman, andito na kami.
Ipinarada na ni Kuya Carlos ang kotse niya sa mismong harap ng bahay namin, dito banda sa gate. Tapos ay sinilip niya ito.
"Your house is quite big." sumilip din naman ako ng nakanguso.
Malaki ba? Para sakin kasi sakto lang naman ang laki.
"And I must say you have a beautiful neighborhood." sabay tingin niya sakin ng nakangiti. At nang makita ko iyon ay agad ako nag-iwas ng tingin.
"Ah oo. Mababait mga tao dito." I said while removing the seatbelt.
"Ah Kuya..." I turned to him and to see that he's looking at me. Napalunok ako.
"D-Dito nalang ako. Thank you sa paghatid." sabay nginitian ko siya at bumaba na ko agad. Di ko na siya pinagsalita. Kasi naman, nag iinit pa din mukha ko baka namumula pa din ako. Nakakahiya baka kung ano isipin niya.
Aalis na sana ako non nang bigla pa akong tinawag nito. Paglingon ko ay nakalabas ito at nakasandal sa pinto ng kotse niya.
"Have a good night." then he flashed a smile bago siya pumasok sa kotse niya.
Natulala naman ako at kahit pa nang makaalis na ito, ay nanatili pa din akong nakatayo sa harap ng gate namin.
Nang mabalik ako sa ulirat ko ay muli nanamang nag-init ang mukha ko kasabay ng pagkabog ng malakas ng puso ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at walang ano ano akong tumakbo papasok ng bahay. Dire-diretso lang ako hanggang paakyat nang masalubong ko si Ate.
"oh-oh. Anong meron?" nakataas kilay niyang tanong.