CHAPTER 33

512 25 6
                                    


Vicky's POV

Weekends na at nasa bahay lang ako ngayon. Natapos ko na lahat ng hinahabol ko kaya feeling ko stress free na ko ngayon. Whaaa~ Thank God for always guiding me most especially sa mga ganung times. Aylabyooo. :*

Katatapos ko lang maligo, at pababa na ko ngayon dahil tinawag na ko ni mama para kumain.

"Good morning po~" nilapitan ko si mama na nag-aayos ng mesa and gave her a kiss on her cheek.

"Good morning. Upo ka na, at kain na."

"Asan si ate ma?" I asked while pulling a chair.

"She got up early, may gagawin kasi silang project daw sa bahay ng kaklase niya. Mamaya na daw kasi deadline kaya nagmamadali."

*tango tango*

I'm still confused with ate most especially na alam kong may boyfriend siya. Hindi ko alam kung nagsasabi pa ba siya ng totoo. Don't get me wrong ah, hindi ko siyang pinagdududahan, nakakatawa nga siya eh. Hahaha.

"Nga pala nak. Your tita Liz calles just thia morning. I've heard about what happened to CK."

O____O

Agad akong napatingin kay mama at naghihila na din ito ng mauupuan.

Geez. Alam niya na din ba? Alam niya na din bang kasama ako non? Huhu.

"A-ano pong sabi ni Tita Liz?"

"That CK got into trouble. Kasi napagtripan daw siya sa plaza malapit sa shop."

*lunok*

"I never knew that it could be dangerous around that place. At ikaw..."

Halos na freeze ako sa kinauupuan ko as she looked at me. Huhu~ ma~ wag ka magalit sakin.

"Mag-iingat ka pag dumadaan ka sa kung saan banda pinagtripan si CK. Or much better wag ka nalang dumaan don."

Nalaglag balikat ko dahil nakahinga ako bigla nang maluwag. That was close. Phew.

Pero di sinabi ni Tita Liz kay mama? Or baka di lang din alam ni tita Liz? So it means, di sinabi ni CK?

"Buti nga at okay na si CK. At buti nahuli na din daw yung mga gumawa non."

Yeah. Dinig ko kinasuhan na sila ng panig nina tita Liz. Lalo pa't may witness sa ginawa nila, at naabutan din sila ng mga pulis. Malakas ding evidence yung ginawa nung lider nila infront of the police. Yung tangka niyang pananaksak sakin. But I guess, may iba sa kanilang hindi makukulong dahil hindi pa 18. I guesa tatlo sa kanila, 17 palang. So sa rehab daw sila ipapasok.

But I'm still puzzled. Di ko kasi alam kung ano talaga motibo nila at bakit nila ginawa yun kay CK? Napagtripan lang ba talaga siya o baka naman set up?

"So yun nga anak, hindi lang iyon ang itinawag ng tita Liz mo. She asked if I could ask you kung free ka ba ngayon?"

"Bakit daw po?"

"Pwede mo daw ba puntahan si CK sa bahay nila and lend him some of your notes? CK's going back to school na kasi at baka mahirapan daw siya mag catch up."

Nakagat ko ibabang labi ko.

Wala akong karapatang humindi. Aside from the fact na mommy na ni CK ang nag-ask, ay may pananagutan din ako sa nangyari kay CK. Saka wala namang problema eh, minsan lang talaga kasi pinagtitripan ako non. Pero ngayon siguro di na niya magagawa kasi baldado siya. Muhahahaha---joke lang.

"S-sige po ma. Pupunta po ako mamaya sa kanila."

"Talaga?"

"Opo."

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon