Vicky's POVHinanda ko na ang kwarto ko para sa movie marathon namin ni Kaye. Habang siya naman ay nasa baba at pinagpapatuloy ang pag aayos ng pagkain.
It's almost 6 in the evening at maya maya for sure ay uuwi na din si mama galing sa shop.
Pagkatapos ko ay bumaba na akong muli at naabutan ko sina ate at Kaye sa kusina nagkekwentuhan.
Tumabi ako kay ate who's sitting on the stool sa kitchen counter while Kaye is still busy with the food.
"Ano pinag-uusapan niyo?"
"Wala naman. Kinikwento ko lang kay Kaye yung mga kabaliwan mo nung bata." natatawa pa non si ate habang sinasabi niya.
Napanguso ako.
"Baka naman sinisiraan mo na ako ah."
"Bakit naman kita sisiraan? Eh sa mga nangyari palang sayo sira ka na." humagalpak siya ng tawa kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
Pagtingin ko kay Kaye ay tumatawa din naman ito kaya napanguso ako.
It seems like kinwento ni ate lahat ng mga katangahang nangyari sakin noon dahil tawang tawa sila. Pft.
Inirapan ko si ate.
"Nga pala, di ko na masyadong nakikita yung manliligaw mo dati ah." I looked at her at nabigla ako ng nakatingin pala ito sakin.
"Sinong manliligaw?"
"Si ano.." unti-unting nanlaki mata ko at kinabahan ako bigla.
Don't tell she'll gonna say--
"Si Red ba yun?" nakatingin pa siya sa taas habang sinasabi.
Nakahinga ako ng maluwang. Pota, akala ko si CK sasabihin niya.
Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Kaye. "Nanliligaw si Red sayo?"
My eyes widened dahil nabigla ako sa sigaw nito. "Akala ko ba si kuya Carlos ang nanliligaw sayo?"
Eh?
"At sino naman yung kuya Carlos?"
Yung mukha ni ate puno nang pagsususpetsya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
"Makatingin ka sakin parang ang landi landi ko ah."
"Nagtatanong lang." inirapan niya pa ako.
"Eto ah, klaro ko lang sa inyong dalawa. Si Red.." sabay tingin ko kay ate. "Hindi nanligaw sakin yun ilang beses ko nang sinabi yan ah pinagpipilitan mo talaga."
Then tumingin naman ako kay Kaye.
"And for kuya Carlos naman, hindi din siya nanliligaw sakin. Crush ko lang yun tapos di pa nga niya alam." nagkagat labi si Kaye sabay iwas ng tingin na natatawa pa.
"Kayong dalawa talaga, mali mali kayo. Pag untugin ko pa kayo eh."
Nagtawanan lang naman sila. Looking at them both, pagtutulungan nila ako in the near future. -_- Nagkakasundo sila eh. Pft.
(Iphone ringing)
Napatingin kami kay ate dahil sa kanya nagmumula ang tunog. Humugot naman ito sa bulsa niya saka sinagot kaagad ang tumatawag. Sisilipin ko pa sana kaso tinuon na niya sa tenga niya eh.
"Hello ma?"
Ay, akala ko yung Michael uli.
"Nasa bahay ako, bakit?"
Kumuha ako sa ginawang nachos ni Kaye at tinikman ko iyon. Syempre alangan namang itapon ko diba? Hahaha.
"Osige sige. Magbibihis lang ako." kasabay non ang pagbaba ni ate ng tawag.
