CHAPTER 28

400 19 8
                                    


Vicky's POV

Nasa school ako ngayon at nag-iisa lang ako dito sa college park, hinihintay ko si Kaye.

"psst."

Napaigtat ako sabay lingon, at may babaeng dumaan sa likod ko papunta don sa isang babaeng nakatayo sa hallway. Akala ko ako tinatawag.

Napabuntong hininga nalang akong laglag balikat sabay pangalumbaba.

Nababaliw na ko.

To tell you guys, I've been like this for the past few days pagkatapos nung nangyari samin ni Red sa shop namin. Ilang araw ko na kasi siyang iniiwasan kaya ganito nalang ako maalarma everytime na may lumalapit sakin. Iniisip ko kasi baka sina Dave, Clinton or di kaya siya.

FLASHBACK

"...basta bigla nalang bumibilis pag nakikita kita."

O____O - me

^____^ -sya

"ha?"

Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Umiling nalang ako non saka nakitawa na din sa kanya kahit masyadong halata na peke yung sakin.

"S-sira ka. Baliw." di ko alam san ako titingin non dahil di ako makatingin sa kanya.

"Ang cute ng reaksyon mo." natatawa nitong sabi.

Tumawa lang naman ako, pero hello di na ko okay. Napadila tuloy ako sa bibig ko kasi bigla nalang nanuyo. Amputcha, kinabahan ako ng wampipti times don, seryoso ako.

Wala na din naman nagsalita samin non hanggang sa matapos na siya sa pag kain at nagpaalam nang umalis.

Geez.

END OF FLASHBACK

Nababaliw na nga talaga ako. Isipin niyo nalang, wala naman siyang sinabing gusto niya ko pero kung makaiwas ako parang kung ano nangyari. Grabe, feel na feel ko talagang may gusto siya? Hayst! *iling iling*

"Vicky.."

"Ay Vicky!" sabay napatayo pa ko.

Doon nanlaki mga mata ko ng makita ko si Trina. She just smiled at me.

"T-Trina. Ikaw pala."

"Yeah. Can I....join you?"

"Oo naman. Bakit hindi?" sabay ngiti ko sa kanya.

Ngumiti din naman ito saka naupo sa tapat ko banda. Naupo na din ako at nagkatitigan kaming dalawa. Di tuloy ako makakurap ng maayos habang nakatitig sa kanya dahil maliban sa naaalala ko si Red, ay naalala ko din yung mga narinig kong pag amin niya. Kung saan nalaman kong hindi si CK ang gusto niya kundi si Red.

"Vicky..." she called me out so I get back to my senses.

"Can I ask an advice from you?" my eyes widened, at natigilan ako.

"A-ano yun?"

She composed herself first and then she took a deep breath.

"I am super inlove with someone for the past 4 years kasi."

O_____O

Ghad, 4 years?! Mas matagal pa pagkakagusto niya kay Red keysa sa mga relasyon ng mga millenials ngayon. Tsk tsk. Kudos to Trina for staying inlove for 4 years kahit risky.

"It started when I transfered school and I met him. He has been so good to me and he always talks to me because I am obviously shy and I don't socialize with others. Lagi niya ko chinicheck if I'm okay, if may problema ba ko o kumain na ba ako. Parang jowa ko lang nga siya tuwing ginagawa niya yan. Tuloy, natutukso kaming magjowa. He keeps on doing that, kaya ayun, nahulog ako sa kanya."

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon